Kitkat, sinupalpal ang netizen na nagsabing "may attitude" daw siya

Kitkat, sinupalpal ang netizen na nagsabing "may attitude" daw siya

- Hindi pinalampas ni Kitkat Favia ang isang netizen na nagsabing may attitude daw sya

- Ito umano ang dahilan kaya hindi na siya maibalik sa noontime show na Happy Time

- Pinatanggol ni Kitkat ang sarili at sinabing siya ang namura at napahiya pero siya pa rin ang nasabihang may attitude

- Matatandaang natanggal sina Kitkat at Janno Gibbs matapos nilang magkaroon ng di pagkakaunawaan na kanilang dinala sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Kitkat Favia ang isang netizen na nagsabing may attitude daw sya. Ito umano ang dahilan kaya hindi na siya makakabalik sa noontime show na Happy Time ayon sa netizen.

Sinagot ni Kitkat ang netizen at dinepensahan ang sarili. Aniya, siya ang namura at napahiya pero siya pa rin ang nasabihang may attitude. Matatandaang naalis sina Kitkat at Janno Gibbs matapos nilang magkaroon ng di pagkakaunawaan na kanilang dinala sa social media.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Kitkat, sinupalpal ang netizen na nagsabing "may attitude" daw siya
Kitkat Favia (@favkitkat)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang sagot ni Kitkat sa netizen na nagsabing may attitude siya.

“Ako na pinagmumumura ng P.I, pinagdududuro, pinagsisigawan sa mic at harap ng marami tao at pagtapos nagtuloy ng show mag isa ako pa may attitude??? “Babae ka? Kung babae ka wag sana mangyari sayo or sa anak or pamilya mong babae. Kung lalaki ka naman, patol ka talaga sa babae at bata? Well Godbless... i pray na hindi nyo maranasan ang sinapit ko.
“And by the way nagtetherapy ako ngayon sa trauma na sinapit ko... 6 months akong nagtitiis sa co host ko kung di ako malakas baka nabaliw na ako ng tuluyan.Watch ur words di moko kilala!...”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

“wala akong sinabing masama ano iwawatch ko sa words ko?? Ikaw ang nagsalita na ‘MAY ATTITUDE’ ako. Basa ka din ng maigi sino ang biktima. Gaya ng sabi ko marami at lahat nakita ang pangyayari and naka taped din yun and even marco sison sya mismo ang saksi.
“Ang sinasabi ko wag ka po nagsasabi ng may attitude ang tao kung di mo kilala at di mo alam ang pangyayari. Pangalawa po, babae ka man or lalaki lahat ng ginawa sa akin i dont think itotolerate ng kahit sinong nasa tama ang isip... ingat po...”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Kitkat Favia o Soraya Ray L. Bañas sa totoong buhay ay isang mang-aawit, comedian at aktres. Naging stand-up singer/comedian din siya sa Punchline, Laffline, at Metro Comedy Bar.

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa umano'y paninigaw at pagmumura ng kanyang co-host na si Janno Gibbs sa kanya. Lumala ang kanilang sigalot matapos ang kanilang mga post sa social media.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Kamakailan lang ay naglabas ng kanyang official statement si Janno Gibbs hinggil sa isyu. Dito niya sinabi na natanggal na silang dalawa sa noontime show na "Happy Time."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel