Mister, tinanggap pa rin ang misis na 3 beses na umano siyang niloko

Mister, tinanggap pa rin ang misis na 3 beses na umano siyang niloko

- Tinanggap pa rin ng mister ang kanyang misis kahit nasa tatlong beses na umano siya nitong niloko

- Binigyan pa niya ito ng pagkakataon alang-alang sa kanilang mga anak

- Nangako naman ang misis na hindi na umano niya ito uulitin at ibubuhos na lamang ang panahon sa pag-iintindi ng kanilang pamilya

- Binigyan din sila ng negosyo ng programa ni Raffy Tulfo upang may pagkakitaan ang kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng umano'y pagloloko ng misis na si Jean Paculanang, tinanggap pa rin siya ng kanyang mister na si Jamen Paculanang.

Nalaman ng KAMI na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo" si Jamen gayung napag-alaman niyang may lalake umano ang kanyang misis.

Ang masaklap pa nito, nasa tatlong beses na raw itong nagagawa ng kanyang asawa sa kanya.

Read also

Dugo-dugo gang, natangay ang ₱1 milyong halaga ng alahas mula sa 12-anyos na biktima

Mister, tinanggap pa rin ang misis na 3 beses nang nagloko sa kanya
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nang muli silang kumustahin ng staff ni Tulfo, nalamang nagkaayos na ang mag-asawa matapos na mag-public apology ni Jean sa kanyang nagawa sa mister.

Alang-alang din sa kanilang tatlong anak, pinatawad muli ni Jamen si Jean at binigyan muli ng isa pang pagkakataon.

At upang hindi na makaisip na pumalya pa ni Jean, nagkaroon sila ng kasulatan at kasunduan sa barangay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bilang pagdiriwang ng pag-aayos ng dalawa, hinandugan ng programa ni Tulfo ang pamilya nina Jamen at Jean groceries at pinakain din sila sa restaurant kasama ang kanilang mga anak.

Bukod sa mga ito, naghandog din ng pang-negosyo si Tulfo upang mayroong pagkaabalahan si Jean at pandagdag kita sa kanilang pamilya.

Labis na nagpapasalamat ang dalawa sa programa ni Tulfo at hindi lang sila nagkaayos kundi nabiyayaan na nito ang kanilang pamilya sa panibago nilang simula.

Read also

Tulfo, biniyayaan din ang single mom na humingi ng tulong para sa kapitbahay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang OFW na naloko rin umano ng kanyang nobya na hindi naman siya pinakasalan matapos na makakuha nito ng dalawang kotse at malaking halaga ng pera sa kanya.

Hindi rin nalalayo ang kwentong ito sa isang Bigo live host an inireklamo ang kanyang dating kasintahan dahil sa inubos din nito ang kanyang ipon. Binigyan muna sila ni Tulfo ng kaunti pang panahon upang mapag-usapan ang nais nilang mangyari bago magkasampahan ng kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel