Dugo-dugo gang, natangay ang ₱1 milyong halaga ng alahas mula sa 12-anyos na biktima
- Isang 12-anyos na babae ang nabiktima ng umano'y "Dugo-dugo gang" sa Pasig
- Natiyempuhan ng ng grupo na mag-isa lamang ang bata sa kanilang tahanan nang magpanggap na nakabangga umano ang ama nito
- Sa taranta, nasunod ng bata ang bawat sinasabi ng kumontak sa kanya at naipakuha pa sa kanya ang kanilang safe box
- Umabot sa ₱1 milyon ang halaga ng mga alahas na laman ng safe box ng kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patuloy pa rin ang pambibiktima ng "dugo-dugo gang" at kamakailan, isang 12-anyos na babae ang nabiktima ng mga ito.
Nalaman ng KAMI na naiwan ang dalagita sa kanilang bahay pansumandali nang biglang mayroong kumontak sa kanya at sinabing nakaaksidente umano ang ama niya.
Ayon sa panayam ng Unang Hirit ng GMA News sa dalagitang itinago sa pangalang Jenny, nasabi pa umano ng tumawag ang pangalan ng ama kaya naman napapaniwala siya nito.
Sinabing kulang ang perang dala ng ama para maipambayad sa naagrabyado nito kaya naman pinadadala ang anumang mahalagang gamit sa kanilang bahay partikular na ang kanila umanong safe box.
Una itong ipinadala kay Jenny sa Monumento sa Caloocan ngunit nang makitang wala itong laman, pinabalik pa ang dalagita at ipinakuha ang mga mamamahaling alahas at relo sa kanila.
Sa ikalawang pagkakataon, sa isang mall naman sa Quezon City ipinadala ang mga ito na sinunod pa rin ni Jenny.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Halos gabi na nang malaman ng mga magulang ng dalagita ang nangyari na nagpapasalamat pa rin na ligtas ang kanilang anak.
Ang labis lamang na pinagtataka nilang mag-asawa ay kung paano nalaman ng "dugo-dugo gang" ang mga mahahalagang gamit nila sa bahay at kung paano rin nalamang mag-isa lamang ang dalagita na unang beses pa lamang daw nilang iwan na walang kasama.
Ayon sa mga awtoridad, tila lumalaganap na naman ang modus na ito ng grupo dahil mayroon na ring naunang nag-repost sa kanila ng halos kaparehong kaso kung saan menor de edad ang binibiktima.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lamang ay nalagay naman sa panganib ang buhay ng isang binatilyo matapos na i-prank ng kanyang mga kaibigan.
Nanawagan naman ang tiya ng binatilyo sa mga kaibigan nitong hindi man lang daw ito nagawang dalawin matapos ng ginawa ng mga ito sa kanyang pamangkin.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh