Tita ng napahamak na binatilyo sa biruan ng tropa, hanap ang mga kaibigan nito

Tita ng napahamak na binatilyo sa biruan ng tropa, hanap ang mga kaibigan nito

- Naglabas ng saloobin ang tiyahin ng binatilyo sa viral video na 'di na nakaahon sa swimming pool matapos ang prank ng tropa

- Hindi man lang dinalaw ng mga kaibigan ang binatilyo na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital

- Sa viral video, makikitang pinaikot ng makailang beses ang binatilyo bago ito itinulak sa pool

- Hindi siya agad natulungan ng kanyang mga kaibigan habang ang isa ay patuloy pa rin sa pagkuha ng video

- Magsilbing aral daw sana ang nangyaring ito sa kanyang pamangkin sa mga kabataan ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng update ang tiya ng binatilyong si Ralph Agramon, ang binatilyo sa viral video na pinaikot-ikot ng kanyang mga kaibigan bago ihulog sa pool.

Nalaman ng KAMI na hindi agad nakaahon sa pool ang binatilyo marahil sa pagkahilo sa matinding pag-ikot sa kanya nga mga tropa na sinabing "prank" at biruan lamang ang nangyari.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Sa post ng ngapakilalang tiya ni Ralph na si Razel Yorsua Valdez, sinabi nitong nagpapagaling na ang pamangkin sa ospital matapos ang nangyari.

Sinapit ng binatilyong napahamak dahil sa biruan ng tropa, magsilbing aral ayon sa kanyang tiya
Photo from Chen Valdez Agramon
Source: Facebook

Subalit, ni hindi man lang dumalaw ang mga kaibigan nitong kasama sa viral video at ang gumawa umano sa kanya ng sinasabing prank.

"Nasaan na yung tinuturing mong mga barkada? Ni dalaw di ba wala? Iyan ba 'yung mga kaibigan? Kaya maging aral sana to sa lahat! Hindi sa lahat ng pagkakataon anjan mga barkada mo na tutulong sa'yo"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mapapansing hindi rin naiwasan ng tiya na maglabas ng hinanakit sa mga kaibigan ng pamangkin na hindi agad tumulong nang makita na hindi na ito makaahon sa tubig.

"Shout out sa barkada mong nakuha pang mag-video na alam nilang hirap ka na di ka pa tinulungan."
"Pinagtatawanan ka pa! Masakit isipin na yung itinuturing mo na mga tropa mo, yun pala mag papahamak sa'yo."

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

Ayon pa kay Razel, magsilibing aral ang nangyari sa kanyang pamangkin sa ibang mga kabataan lalo na kung lalabas na walang kasamang nakatatanda.

Laking pasalamat pa rin nila sa mga nagmalasakit sa nagpapagaling niyang pamangkin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinapit ng binatilyong napahamak dahil sa biruan ng tropa, magsilbing aral ayon sa kanyang tiya
Photo credit Razel Yorsua Valdez
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa naunang ulat ng KAMI, makikita ang aktwal na video sa kung ano ang kabuuang nangyari sa binatilyo.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng kapatid ng biktima sa mga taong tumulong upang maligtas ang kapatid.

Umani ng matinding reaksiyon ang video na ito dahil sa sinapit ng batang lalaki. Sa kasalukuyan kumalat na ito sa Facebook at iba pang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica