Batang lalaki, nalagay sa panganib dahil sa biruan nila ng mga kaibigan

Batang lalaki, nalagay sa panganib dahil sa biruan nila ng mga kaibigan

- Isang CCTV footage ang ngayon ay viral sa social media at umani ng mga reaksiyon mula sa netizens

- Makikita sa nasabing video kung paanong muntik nang matuloy sa isang trahedya ang dapat sana'y katuwaan lamang ng mga bata

- Pinaikot ng mga kaibigan niya ang isa sa mga bata ng maraming beses bago ito itinulak sa pool

- Hindi na nakalangoy ng maayos ang biktima at matagal pa bago nakuha ngunit naligtas naman siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang nauwi sa trahedya ang dapat sana'y kasiyahan ng mga kabataan habang nasa isang swimming pool.

Makikita sa kumakalat na CCTV Footage kung paanong pinaikot ng maraming beses ang biktima bago siya tuluyang tinulak sa pool.

Batang lalaki, nahirapang lumangoy dahil sa biruan nila ng mga kaibigan
Chen Valdez Agramon
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng pag-swab sa isang babae, viral sa social media

Ayon sa isang ulat ng 103.9 Radyo Bandera Bacolod, binalak lang i-prank ang biktima. Naganap ang naturang insidente sa isang swimming pool sa Davao City.

Makikitang may hawak na cellphone at kumukuha pa ng video ang isang kasamahan nila habang ginagawa nila ang kanilang prank.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos maitulak sa swimming pool, makikitang nagtangka pang lumangoy ang biktima ngunit kinalaunan ay hindi na ito nakaahon marahil dahil sa sobrang pagkahilo nito. Nang hindi na nila makita ang kaibigan ay saka lamang tumalon ang mga kasamahan ng biktima para hanapin siya.

Kapansin-pansin din na walang masyadong ibang taong naroroon kaya hindi kaagad natulungang mahanap ang bata.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Gayunpaman, bigo silang mahanap ang kaibigan kaya ilang mga tao pa ang tumulong sa kanila.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Nang mahanap nila ang walang malay na kaibigan, agad itong na-CPR at narevive. Isinugod ito sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng kapatid ng biktima sa mga taong tumulong upang maligtas ang kapatid.

Umani ng matinding reaksiyon ang video na ito dahil sa sinapit ng batang lalaki. Sa kasalukuyan kumalat na ito sa Facebook at iba pang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel