Tulfo, biniyayaan din ang single mom na humingi ng tulong para sa kapitbahay
- Nabiyayaan din ng tulong ang single mom na lumapit sa programa ni Raffy Tulfo para sa tindero ng asin at sa mga anak nito
- Humanga si Tulfo sa single mom dahil mas binigyan niya ng pansin ang mas nangangailangan ng tulong
- Kung tutuusin ay may mga pangangailangan din ang single mom lalo na at wala siyang trabaho ngunit mas inisip niya ang mag-aama
- Nagpasalamat naman ang mag-aama sa kanya dahil mababago ang buhay nila dahil sa pagmamalasakit ng single mom
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natulungan ni Raffy Tulfo ang tindero ng asin at apat na anak nito na pinahahanapan na niya ng bahay at bibigyan pa niya ng pangkabuhayan.
Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa netizen na si Jamaica Rose Nebato na siyang dumulog sa programa ni Tulfo para matulungan ang mag-aama.
Subalit nang kumustahin din ni Tulfo si Jamaica, napag-alaman niyang single mom pala ito. At kahit mag-isa lang siyang nagtataguyod sa anak, wala pa siyang trabaho.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nangangahulugan lamang na nangangailangan din ng tulong si Jaica subalit mas inisip pa rin niya na matulungan ni Tulfo ang kaawa-awang mag-aama.
"Si ma'am Jamaica meron siyang pangangailangan kung tutuusin, single mom siya may baby siya, wala siyang work, pero ang hiningi niyang tulong yung sa tingin niya mas nangangailangankumbaga binalewala niya ang sarili niya," pahayag ni Tulfo.
"Napakabuting tao...ma'am Jamaica, sumasaludo po ako sa inyo," dagdag pa niya.
Dahil dito, bibigyan din ni Tulfo si Jamaica ng Php10,000 at pangnegosyo upang mayroong pagkakitaan si Jamaica habang nag-aalaga sa dalawang taong gulang niyang anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh