Zoren Legazpi, ikinuwentong walang ligawang naganap sa kanila ni Carmina Villaroel

Zoren Legazpi, ikinuwentong walang ligawang naganap sa kanila ni Carmina Villaroel

- Sa isang episode ng Sarap Diba?, naibahagi ng mag-asawang Zren Legazpi at Carmina Villaroel ang ilang mga bagay tungkol sa kanilang relasyon

- Naibahagi ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan at ilan pang mga bagay tungkol sa kanilang mag-asawa

- Kasama nila sa nasabing video ang kanilang dalawang anak na sina Cassy at Mavy

- Ayon kay Zoren, walang naganap na ligawan dahil nagsimula lang sila bilang magkaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legazpi ang ilan sa mga detalye ng pagsisimula ng kanilang relasyon at kung paano natuloy sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan.

Naitanong sa kanila ng mga anak na sina Mavy at Cassy kung ano ang impression nila sa isa't-isa.

Zoren Legazpi, ikinuwentong walang ligawang naganap sa kanila ni Carmina Villaroel

Photo from Carmina Villaroel (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Ayon kay Carmina, unang tingin niya kay Zoren ay Supladong palangiti. Inilarawan naman ni Zorenn si Carmina bilang napakaputi at parang isang snowman.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi pa nila, nagsimula sila s pagiging malapit na magkaibigan hanggang sa lumalim ang kanilang pagtitinginan.

Sa tanong kung kailan nila nasabing sila na ang para sa isa't-isa, naibahagi ni Carmina na minsan silang nag-break.

Doon niya umano narealize kung gaano kahalaga para sa kanya si Zoren. Para kay Carmina, ang memory na ayaw niyang mkakalimutan ay ang surprise wedding na inihanda ng asawa para sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang tanungin kung sino sa kanilang dalawa ang mas romantic, sagot ni Carmina, may sariling paraan si Zoren ng pagsosorpresa sa kanya samantalang siya ay mas malambing.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Isa sa dalawang binatilyong natagpuang wala nang buhay, naglambing sa ama bago umalis ng bahay

Si Carmina Villaroel ay unang lumabas sa telebisyon sa pamamagitan ng TV commercial ng isang fast food chain noong 1986. Nang sumunod na taon aynaging bahagi siya ng Regal film at isa sa kanyang nagawang pelikula ay "Pinulot Ka Lang sa Lupa". Naging bahagi din siya ng sitcom na Palibhasa Lalake kung saan gumanap siya bilang si Catherine.

Kamakailan ay kinaaliwan ng netizens ang sorpresa ng kanilang pamilya para sa kaarawan ni Zoren.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Carmina sa sorpresa ng mga anak at asawa sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel