Nanay Rosario, ibinahagi ang kanyang pangarap noon para kay Vice Ganda

Nanay Rosario, ibinahagi ang kanyang pangarap noon para kay Vice Ganda

- Sa isang pag-uusap ng mag-inang Nanay Rosario at Vice Ganda, pinag-usapan nila ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa katauhan ng TV host

- Naitanong niya sa kanyang ina kung ano ang naramdaman nito na hindi siya tunay na lalaki

- Ani Nanay Rosario, hindi siya nalungkot dahil tanggap niya umano ano man ang ibigay na kapalaran para sa kanyang mga anak

- Pangarap niya rin umano noon para kay Vice na maging abogado dahil sa husay nito sa pagsagot at pagbabasa noong maliit pa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang vlog na ibinahagi ni Vice Ganda, naitanong niya sa kanyang nanay ang ilang mga bagay na may kaugnayan sa kanya at sa kanilang buhay bilang isang pamilya.

Ayon kay Nanay Rosario, matagal niya nang naramdamang may pagkabinabae si Vice Ganda kaya lang ay minabuti niyang huwag nang kumibo dahil ikinagalit ng kanyang asawa nang malamang hindi din tunay na lalaki ang isang kapatid ni Vice.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Nanay Rosario, ibinahagi ang kanyang pangarap noon para kay Vice Ganda
Vice Ganda (Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong una ay naniniwala umano ang ama ng TV host na si Vice ang tunay na lalaki kaya hindi na kumibo ang kanyang ina.

Nang tanungin kung malungkot siya nang malamang hindi tunay na lalaki si Vice, sinabi ni Nanay Rosario na tanggap niya ang kanyang mga anak kaya hindi umano siya nakaramdam ng kalungkutan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon pa kay Nanay Rosario, pinangarap niyang maging abogado si Vice dahil sa husay nito sa pagsagot at sa pagbabasa noong bata pa siya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concerts.

Read also

Toni Fowler, ipapamigay ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pakikipag-usap ni Vice Ganda sa isang Tawag ng Tanghalan contestant na aminadong sumang-ayon noon sa pag-shutdown ng Kapamilya Network.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel