Karylle, umamin kay Zeinab Harake na fan siya ni Skusta Clee

Karylle, umamin kay Zeinab Harake na fan siya ni Skusta Clee

- Nabanggit ni Karylle na sila ng kanyang asawa na si Yael Yuzon ay fan ni Skusta Clee

- Naikwento niya ito sa girlfriend mismo ni Skusta na si Zeinab Harake sa kanilang YouTube collaboration

- Nasabi ni Karylle na isa sa kanilang playlist na mag-asawa ang mga kanta ng Ex-Battalion member

- Bilang patunay, sinabi pa ni Karylle na ang paborito niyang awitin ni Skusta ay ang kantang "Zebbiana" na para umano kay Zeinab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang masayang YouTube collaboration ang ginawa ng internet star na si Zeinab Harake at ang singer na si Karylle.

Nalaman ng KAMI na naganap ang kulitan at kwentuhan ng dalawa sa carpool video ni Zeinab sa kanyang YT channel.

Isa sa mga nabanggit ng It's Showtime host na siya gayundin ang asawa niyang si Yael Yuzon ay super fan ng boyfriend ni Zeinab na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee.

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral
Karylle, umamin kay Zeinab na fan siya ni Skusta Clee

Photo: Karylle (@annakarylle)
Source: Instagram

Naisip kasi ni Zeinab na sa susunod na pagkikita nila ni Karylle ay isasama na rin nila sina Yael at Skusta.

"Oh my God, sobra kaming fan!," ang nasabi ni Karylle nang mabanggit ni Zeinab ang balak nilang pagkikita.

Nang tanungin ni Zeinab kung ano ang paborito ni Karylle na kanta ni Skusta, sinabi niyang "Zebbiana." Ito ang kantang ginawa ng Ex-Battalion member para sa girlfriend na si Zeinab.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ni Karylle, kasama sa kanilang playlist pag nagbibiyahe ang mga kanta ni Skusta at halos di naman makapaniwala ni Zeinab.

"Finally!!!!!!!!!!!!!! Natuloy tayo... sobrang enjoy! Alam ko super invite ako sa'yo sa karaoke namin pero since sarado pa, sa kotse mo muna! I love roadtrips na may halong soundtrip! Perfect bonding. Next time pa Lucban naman tayo hehe =) Shoop shoooooop! Sorry Skusta! Peace! Love you guys! Thanks Zebbies," komento ni Karylle sa mismong video ng kanilang collab ni Zeinab.

Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa It's Showtime family

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Karylle ay isang Filipina singer at TV host ng It's Showtime. Siya ay anak ng veteran singer na si ZsaZsa Padilla.

2014 nang ikasal sina Karylle at ang Spongecola lead vocals na si Yael Yuzon.

Bago si Karylle, isa sa mga nakasama sa YouTube collaboration ni Zeinab si Toni Gonzaga. Ipinalabas ito ilang araw matapos na isiwalat ni Zeinab na nagdadalang tao siya sa anak nila ni Skusta Clee.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel