Magkapatid na pilit na pinagbabati ni Tulfo, di nagkasundo at magsasampahan pa ng kaso

Magkapatid na pilit na pinagbabati ni Tulfo, di nagkasundo at magsasampahan pa ng kaso

- Mainit ang naging diskusyon ng magkapatid na nagkaharap sa programa ni Raffy Tulfo

- Inirereklamo ng isa ang kanyang kapatid sa di umano'y paninirang puri umano nito sa kanya online

- Pinabulaanan ito ng inaakusahang kapatid at sinabing siya pa ang naloko dahil sa sasakyan niyang ibinenta umano ng nagrereklamo kahit wala naman itong pahintulot sa kanya

- Pilit na pinagbabati ni Tulfo ang dalawa ngunit naging matigas ang mga ito at itutuloy pa rin umano ang pagsasampa ng kaso sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkapatid na pilit na pinagbabati ni Tulfo, di nagkasundo at magsasampahan pa ng kaso

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Hindi napagbati ni Raffy Tulfo ang magkapatid na nagkaharap sa kanyang programang "Wanted sa Radyo"

Nalaman ng KAMI na inireklamo ni Estrella Chiong ang kapatid niyang si Cristina McDonald dahil sinisiraan raw siya nito sa social media.

Kwento ni Estrella, ipinabenta ni Cristina ang kanyang sasakyan sa anak ni Estrella. Ipinadala pa umano nila ang kalahati ng perang napagbentahan ng sasakyan kay Cristina na nasa Australia.

Arnell Ignacio, sinagot ang patutsada ni G Tongi laban sa kanya

Kaya naman nagulat na lamang sila nang magpost ito sa social media at sinasabing ibinenta ni Estrella ang sasakyan nang walang pahintulot.

Pineke lamang umano nito ang maga papeles dahil nagbilin pa umano si Cristina sa mismong pinagbilhan niya ng sasakyan na huwag ibibigay ang resibo sa kapatid dahil raw sa ugali nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap, nagbitaw na ng di magagandang mga salita ang magkapatid sa isa't isa at pilit na nagtuturuan kung sino ang nakagawa ng mali sa kanila.

Pilit na pinagbabati ni Tulfo ang dalawa lalo na at magkapatid ang mga ito subalit nanatili silang matigas at desididong kasuhan ang isa't isa.

"Hindi po kami magbabati niyang sir, pakakasuhan ko 'yan, kakasuhan ko yan!" ang matapang na pahayag ni Cristina laban sa nakatatanda niyang kapatid.

Plano raw umuwi ni Cristina sa bansa upang maituloy ang balak niyang pagsasampa ng kaso kay Estrella.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang broadcaster sa bansa, mas lalong nakilala si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo niya sa publiko.

Mapa-ordinaryong mamayan o kilalang personalidad ay nagagawa niyang aksyunan ang mga sumbong kaya naman maraming Pilipino ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Katunayan, umabot na sa 17 million ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube Channel na Raffy Tulfo in Action kung saan dumudulog sa kanya ang mga naaping Pilipino

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel