Delivery rider sa Cavite, mahigit isang buwan nang hinahanap ng pamilya

Delivery rider sa Cavite, mahigit isang buwan nang hinahanap ng pamilya

  • Mahigit isang buwan nang nawawala ang delivery rider na si Arnulfo Filio Logronio II matapos ang kanyang huling naiulat na delivery noong Setyembre 25 sa isang subdivision sa Barangay Pinagtipunan, General Trias, Cavite habang patuloy na naghahanap ng mga sagot ang kanyang pamilya at mga awtoridad
  • Ayon sa kanyang asawang si Beverly Logronio, regular na nagbibigay ng update ang kanyang mister sa tuwing nasa trabaho kaya lalong ikinagulat nila nang bigla itong mawalan ng komunikasyon matapos magpadala ng detalye tungkol sa ilang delivery bookings noong araw na iyon
  • Patuloy na sinusuri ng mga imbestigador ang mga nakalap na impormasyon, kabilang ang mga kuha ng CCTV at iba pang ebidensyang maaaring makatulong upang mabuo ang mga pangyayari bago at matapos ang pagkawala ng rider
  • Upang mapabilis ang paghahanap, bumuo na ang Cavite Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group habang nagsasagawa rin ng hiwalay ngunit kasabay na imbestigasyon ang NBI H0micide Division sa pag-asang matukoy ang kinaroroonan ni Logronio

Read also

Boy Tapang, ninakawan umano ng college student na kaniyang empleyado

Patuloy na hinahanap ng kanyang pamilya at mga awtoridad ang delivery rider na si Arnulfo Filio Logronio II na mahigit isang buwan nang nawawala matapos ang kanyang huling naiulat na delivery sa General Trias, Cavite.

Delivery rider sa Cavite, mahigit isang buwan nang hinahanap ng pamilya
Delivery rider sa Cavite, mahigit isang buwan nang hinahanap ng pamilya (Image for illustrative purposes only. Generated by AI)
Source: UGC

Ayon sa kanyang asawang si Beverly Logronio, huli silang nagkausap noong Setyembre 25. Bago ito mawalan ng komunikasyon, nagpadala umano ang rider ng screenshots ng tatlong delivery bookings na kanyang pinuntahan sa araw na iyon.

Kabilang sa mga ito ang isang pizza delivery na itinuturing ngayong huling naiulat na transaksyon ng rider bago siya tuluyang hindi na nakontak ng kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Beverly na sa walong taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi umano naging ugali ng kanyang asawa ang hindi magbigay ng abiso kapag maaabala o mahuhuli sa pag-uwi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Sa walong taon na kasal namin, never po na umuwi ng late yung asawa ko nang wala pong abiso. Kaya po nung oras na hindi ko na kontak…” pahayag ni Beverly.

Read also

Cristy Fermin, nagpahayag ng pananaw sa pamantayan ng kagandahan

Batay sa impormasyong inilabas ng mga awtoridad, may CCTV footage mula sa subdivision na nagpapakitang natapos umano ni Logronio ang kanyang delivery.

Gayunman, ilang minuto matapos nito, isa pang indibidwal ang nakitang gumagamit ng motorsiklo ng rider.

Sinabi ni Beverly na agad niyang napansin na hindi ang kanyang asawa ang nasa motorsiklo batay sa kanyang pagmamasid sa mga kuha ng CCTV.

“Hindi ko asawa ’yon. Kilala ko yung asawa ko. Iba postura niya pag nakaupo sa motor niya. Malayo sa postura… mapuputi yung asawa ko, yung nagmamaneho, naka-sleeveless,” aniya.

Kalaunan, natagpuan ang motorsiklo ni Logronio sa Tanza, Cavite sa parehong araw ng kanyang pagkawala. Ito ay naging isa sa mga pangunahing bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, nakiisa rin sa paghahanap ang kapwa delivery riders ni Logronio. Aktibo silang tumutulong sa pagpapakalat ng impormasyon at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makatulong sa kaso.

Sa kabila ng mga lumipas na linggo, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang kanyang pamilya.

Ayon kay Beverly, patuloy silang nananalangin lalo na para sa kanilang anak na may autism spectrum disorder.

Read also

Prominenteng personalidad sa Batangas, tinukoy na umano sa kaso ni Charles Usi

“Umaasa akong buhay pa rin asawa ko. Yung anak namin na may autism, ‘I want my Papa home,’ lagi niyang prayer kay Jesus, ‘please bring my Papa back home safely,’” ani Beverly.

Dahil sa kasong ito, bumuo na ang Cavite Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang paghahanap kay Logronio at ang pagkalap ng karagdagang impormasyon.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang NBI H0micide Division.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director PCOL. Ariel Red, nakikipag-ugnayan sila sa pamilya upang maunawaan ng mga ito ang direksyon ng kasalukuyang imbestigasyon.

“Isa sa part ng investigation is in-invite natin yung mismo asawa at kanyang magulang para sa gano’ng maunawa nila kung anong takbo ng investigation na ginagawa namin,” pahayag ni Red.

Hinimok din ng mga awtoridad ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa paghahanap kay Logronio sa pamamagitan ng PNP Unified 911 hotline.

Habang nagpapatuloy ang paghahanap kay Arnulfo Logronio, narito ang dalawang iba pang ulat ng KAMI.com.ph tungkol sa mga kasong sinaliksik ng mga awtoridad sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Tinalakay sa ulat na ito ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay ng pagkakatagpo sa isang 33-anyos na babae sa Talisay City. Inilahad ang mga paunang detalye ng kaso at ang mga hakbang na isinagawa ng mga imbestigador. Patuloy ding sinikap ng mga awtoridad na mabigyang-linaw ang mga pangyayari sa likod ng insidente.

Read also

Pagtatalo ng mag-asawa sa Cebu City, nauwi sa malungkot na pangyayari

Sa naturang ulat, ibinahagi ang mga detalye tungkol sa pagkakatagpo sa isang nurse sa Nueva Ecija. Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga pangyayari bago ang insidente. Naging paksa rin ito ng usapan sa social media at mga lokal na komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate