Makaganda, nagsangla ng mga alahas na bigay ni Makagwapo upang may panggastos

Makaganda, nagsangla ng mga alahas na bigay ni Makagwapo upang may panggastos

- Walang-wala na raw umanong pera ang vlogger na si Caffey Namindang o mas kilala bilang si "Makaganda"

- Ito ay matapos siyang iwan ng nobyo na vlogger din na si Christian Merck Grey o "Makagwapo"

- Dahil sa pagkakalugmok sa kawalan ng pera, naisipan ni Makaganda na isangla ang mga alahas na bigay umano sa kanya ni Makagwapo ngunit napag-alaman niyang peke pala ang ilan sa mga ito

- Kasalukuyang nakadulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kontrobersiya ng magkasintahang YouTuber subalit hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Makagwapo patungkol sa mga alegasyon sa kanya ng dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makaganda, nagsangla ng mga alahas na bigay ni Makagwapo dahil wala na raw siyang pera

Makaganda (Photo from Caffey Namindang's Facebook)
Source: Facebook

Sa huling update ng ngayong kontrobersyal na vlogger na si Caffey "Makaganda" sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo', hindi magandang balita pa rin ang ibinungad nito.

Nalaman ng KAMI na nagawa umanong isangla ni Makaganda ang mga alahas na bigay sa kanya ng dating nobyo na si Christian Merck "Makagwapo" Grey dahil walang-wala na umanong hawak na pera ang dating nobya at kapwa vlogger.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Ayon sa panayam mismo ni Tulfo kay Makaganda, sinabi ng YouTuber na kagagaling lamang umano niya sa pwanshop kung saan siya nagsangla ng ilan niyang mga alahas na inakala niyang malaki ang halaga.

"Sinabi niya po P170,000 ang bili niya, yung totoo P35,000 lang po pala 'yun," kwento ni Makaganda patungkol sa naisangla niyang engagement ring nila ni Makagwapo.

Umasa siyang malaking halaga niya ito maisasangla ngunit dahil hindi na mababa ang halaga nito, naisangla niya ito sa halagang P8,000.

Ito raw ang kanyang ipambabayad ng kanilang internet connection na halagang P2,000 at ang matitira ay ang panggastos niya sa pang-araw araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nalaman din umano niya na ang ibang alahas na sinasabi ni Makagwapo na mayroon ding halaga ay peke pala kaya di rin ito napakinabangan ng dating nobya.

Kasalukuyan daw na nasa kaibigan si Makaganda kaya naman pinakiusapan ito ni Tulfo na pumunta at umuwi sa kanyang ina at doon bibigyan pa niya ito ng P25,000 para lamang may panggastos ang namomroblemang vlogger na wala raw ni isang kusing na nahita sa dating kasintahan.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Tumanggi pa rin kasing magbigay ng pahayag ang panig ni Makagwapo sa programa ni Tulfo.

Desidido na lalo si Makaganda na kasuhan ang kanyang dating nobyo at makuha ang kanyang "share" sa ilang taon nilang pagiging YouTube vloggers.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humingi na ng saklolo si Caffey "Makaganda" Namindang kay Raffy Tulfo dahil umano sa wala siyang kinikita sa vlogs nila ng kanyang nobyo.

Ang masaklap pa rito, nagagalit pa umano ang lalaki tuwing tumatanggi siyang gawin ang mga 'scripted' na content nila na minsan pang nagiging dahilan ng disgrasya kay Makaganda.

Dahil dito, handang tumulong ang programa ni Tulfo kay "Makaganda" na marami pang ibinunyag tungkol kay "Makagwapo."

Patunay lamang na maging ang mga kilalang personalidad ay natutulungan din ni Tulfo at agarang nabibigyan ng aksyon ang mga sumbong nito sa kanyang programa.

Paghaharap nina 'Makaganda' at 'Makagwapo' sa Tulfo, viral na

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa na mas nakilala dahil sa hindi matatawaran niyang serbisyo sa publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel