Paghaharap na inabangan ng mga netizens! Number 1 at number 2, sumiklab muli

Paghaharap na inabangan ng mga netizens! Number 1 at number 2, sumiklab muli

- Marami ang nag-abang sa paghaharap ng number 1 at number 2 na naging mainit ang bangayan sa isang episode ng Wanted sa Radyo

- Matapos ma-ere ang reklamo ni number 1 laban sa nanakit at nambabaeng live-in partner ay dumulog naman si number 2 para raw linisin ang kanyang pangalan

- Bago ito, pinangakuan na ni Raffy Tulfo na ipapakasal ang inireklamong lalaki at si number 1

- Pero muntik na itong mapigil dahil sa paglantad ng kanyang number 2

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang nag-abang sa "face-to-face" ng number 1 at number 2 ng lalaking inireklamo ng pananakit at pambababae na si Romiel Gonzales.

Una nang naiulat ng KAMI nang ireklamo ni Venus Amigo, ang live-in partner ni Gonzales, ang lalaki ng pananakit na nag-ugat sa pambababae nito.

Ang itinurong number 2 nito ay si Cathy Manlingas na nakilala raw nito sa isang online games.

Matatandaang nagharap si Gonzales at Amigo sa programang Wanted sa Radyo habang nakausap naman on-air si Manlingas.

Iginiit pa noon ng huli na matagal nang hiwalay sina Amigo at Gonzales at sila na raw ng lalaki ang nagsasama.

Sa huli ay nagkaayos din sina Gonzales at Amigo na pinangakuan pa ng kasal ni idol Raffy.

Ngunit muntik na itong mapigil matapos pumunta si Manlingas sa tanggapan ng TV5 para linisin ang kanyang pangalan at para makasiguro na hindi kakalat ang kanilang mga video.

Anito, hindi raw nito alam na mayroon nang kinakasama si Gonzales na itinanggi naman ng huli.

Ngunit inamin naman ng lalaki na tinatakot niya si Manlingas kapag nakikipaghiwalay ito sa kanya dahil gustong-gusto pa nito noon ang babae.

Pero nakikipaghiwalay lang naman daw si Manlingas kapag umuuwi si Gonzales kay Amigo.

Ayon naman kay Raffy Tulfo, si Gonzales ang ugat ng lahat ng kaguluhan sa pagitan nilang tatlo.

Pareho raw biktima ang dalawang babae dahil sa kalokohan ng lalaki.

Dahil dito, humiling si Manlingas na mag-public apology ang lalaki dahil marami raw ang galit sa kanya dahil sa nangyari at maging ang kanyang pamilya ay labis na ring apektado.

Humingi naman ng tawad ang dalawang babae sa isa't isa dahil sa mga nasabi at nagawa nila sa bawat isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel