Iba din si lodi! Buhay pag-ibig ni Roger Casugay, muling pinag-usapan sa social media

Iba din si lodi! Buhay pag-ibig ni Roger Casugay, muling pinag-usapan sa social media

- Muling pinag-usapan ang makulay na buhay pag-ibig ng surfer na si Roger Casugay

- Ito ay matapos niyang maging laman ng balita dahil sa ginawa niyang pagsagip sa isang katunggaling dayuhan habang nasa kalagitnaan ng kompetisyon

- Nauna nang nag-viral sa social media ang mga litrato nina Roger Casugay at ng kanyang kasintahang Dutch national na nagngangalang Lisa Verwei

- Nagkakilala din sila dahil sa sports na surfing kung saan isang coach si Casugay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binalikan ng mga netizens ang akulay na buhay pag-ibig ng Pinoy surfer na si Roger Casugay. Muling lumikha ng ingay ang pangalan ng atletang Pinoy nang sagipin niya kamakailan ang isang katunggaling dayuhan habang nasa kalagitnaan ng kompetisyon.

Marami ang humanga sa kanyang ginawa at muli siyang naging usap-usapan sa social media. Muling naungkat ang kwento ng kanyang buhay pag-ibig na minsan na ding nai-feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon sa video ng Kapuso news magazine show, nagkakilala ang dalawa nang minsa'y magbakasyon ang Dutch national na si Lisa Verwei sa La Union.

Nagpaturo ang dalaga ng surfing sa coach na si Casugay. Hanggang sa nagkapalagayan sila ng loob.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, kinailangang bumalik ni Lisa sa Netherlands para sa kanyang graduation. Hindi iyon naging dahilan upang sila ay mawalan ng komunikasyon. Bumalik ang dalaga makalipas ang dalawang buwan.

Magkaiba man ng kulay at lahi, bakas sa dalawa ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa. Panuorin ang buong video dito:

Samantala sa naunang ulat, kinamangha ng mga netizens ang video ng actual na kompetisyon kung saan mas pinili ni Casugay na sagiing ang isang Indonesian surfer nang malagay ito sa panganib sa gitna ng kompetisyon.

Nabigo man sa gintong medalya, umani ng papuri at paghanga si Casugay dahil sa kanyang kagitingan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel