Ina sa Ukraine, isinulat ang contact details sa likod ng kanyang baby

Ina sa Ukraine, isinulat ang contact details sa likod ng kanyang baby

- Viral ngayon ang larawan ng isang sanggol kung saan may nakasulat na mahalagang impormasyon sa kanyang likuran

- Gawa ito ng kanyang ina na sa labis na pag-aalala, minabuting isulat ang contact details nila anuman ang maaring mangyari sa kanila

- Sunod-sunod daw kasi ang naririnig nilang pagsabog na tila wala nang kasiguraduhan ang bukas

- Patuloy pa rin ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine na sumiklab noong Pebrero 24

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umantig sa puso ng netizens ang post ng inang si Sasha Makoviy ng Ukraine na naisipang ilagay ang contaact details sa likod ng kanyang anak.

Ina sa Ukraine, isinulat ang contact details sa likod ng kanyang baby
Ina sa Ukraine, isinulat ang contact details sa likod ng kanyang baby (Photo: Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ginawa ito ni Sasha sa pangambang maka-survive ang anak at sila ay hindi lalo na at sunod-sunod na ang naririnig nilang pagsabog sa kanilang lugar.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Ayon sa Manila Bulletin, naisipan pang ipa- tattoo ng ina ang detalye ng maaring ma-contact masiguro lamang na mapupunta sa maayos na kalagayan ang kanilang anak.

Sa isa pang larawan na ipinakita ni Sasha, isinulat din niya sa maliit na papel ang contact details at nakasilid naman ito sa bulsa ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang Pebrero 24 nang tuluyan nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Ilan sa mga kababayan nating Pinoy ang mga nakalikas at habang ang ilan naman ay hindi basta makaalis gayung hindi nila makakasama ang kanilang mga asawang Ukrainian.

Isa na rito ang kababayan nating si Rhea Rose Ramos Taibova na lakas loob umanong nagsusumamo sa presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na pahintulutan ang mga kalalakihan doon na magdesisyon kung nais ng mga ito na lumikas na para sa kaligtasan na rin ng kani-kanilang pamilya.

Read also

Brenda Mage, ipinakita ang hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar

Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.

Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.

Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap niyang pahintulutan ni Pangulong Zelensky ang tulad ng kanyang mister na nais na makasama ang pamilya sa paglikas at makaiwas sa kaguluhang nagaganap ngayon lalo na sa Kyiv sa Ukraine.

Gayunpaman, laking pasasalamat pa rin ni Rhea na makalipas ang ilang araw ng patuloy na kaguluhan doon, ligtas pa rin siya at kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: