Ukrainian actor na nasawi, ibinigay pala ang bulletproof vest sa buhat na bata

Ukrainian actor na nasawi, ibinigay pala ang bulletproof vest sa buhat na bata

- Nasawi ang 33-anyos na aktor na si Pasha Lee sa gitna ng kaguluhan sa kanilang bansa na nilusob ng Russia

- Ibinigay pala umano ng aktor ang kanyang bulletproof vest sa batang buhat niya noon

- Pawang mga bata ang tinutulungang makalikas ng aktor na naging bahagi ng Ukraine's territorial defense force

- Maging ang mga kababayan nating mga Pilipino na naroon ay nakararamdam na rin ng pagkabahala sa patuloy na nangyayari sa Ukraine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang 33-anyos na aktor at kasapi ng Ukraine territorial defense force na si Pasha Lee sa gitna ng kaguluhan sa kanilang bansa noong Marso 9.

Ukrainian actor na nasawi, ibinigay pala ang bulletproof vest sa buhat na bata
Pasha Lee (@pashaleeofficial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hanggang sa huling sandali nito, pagmamalasakit sa kapwa ang inintindi nito gayung ibinigay pa niya ang kanyang bulletproof vest sa batang buhat niya sa mga oras na iyon.

Read also

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

Ayon kay Oleksandra Matviichuk, head ng Centre for Civil Liberties sa Ukraine, limang araw na ang lumipas nang makita nila ang labi ng aktor na nasawi sa Russian bombardment sa bayan ng Irpen.

"He helped the children get out of the house during the evacuation of people from Irpen," ani Matviichuk sa kanya mismong tweet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pawang mga bata noon ang tinutulungan ni Pasha nang tuluyan umano siyang masawi sa patuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa ulat ng BBC, sumapi bilang dagdag depensa si Pasha mula pa nang sumiklab ang kaguluhan sa kanilang bansa.

Ilan sa mga naging proyekto kung saan maririnig ang boses ni Pasha ay ang Ukrainian versions ng The Lion King at The Hobbit.

Matatandaang Pebrero 24 nang tuluyan nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Ilan sa mga kababayan nating Pinoy ang mga nakalikas at habang ang ilan naman ay hindi basta makaalis gayung hindi nila makakasama ang kanilang mga asawang Ukrainian.

Read also

Reaksyon ng bride sa cake-cutting moment nila ng groom, kinagiliwan ng netizens

Isa na rito ang kababayan nating si Rhea Rose Ramos Taibova na lakas loob umanong nagsusumamo sa presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na pahintulutan ang mga kalalakihan doon na magdesisyon kung nais ng mga ito na lumikas na para sa kaligtasan na rin ng kani-kanilang pamilya.

Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.

Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.

Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap niyang pahintulutan ni Pangulong Zelensky ang tulad ng kanyang mister na nais na makasama ang pamilya sa paglikas at makaiwas sa kaguluhang nagaganap ngayon lalo na sa Kyiv sa Ukraine.

Gayunpaman, laking pasasalamat pa rin ni Rhea na makalipas ang ilang araw ng patuloy na kaguluhan doon, ligtas pa rin siya at kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica