Reaksyon ng bride sa cake-cutting moment nila ng groom, kinagiliwan ng netizens

Reaksyon ng bride sa cake-cutting moment nila ng groom, kinagiliwan ng netizens

- Nag-viral ang nakatutuwang reaksyon ng isang bride sa kanilang cake-cutting moment ng kanyang groom

- Imbis na isubo kasi ng groom ang cake sa sa bride, siya ang kumain nito

- Marami naman ang natuwa sa reaskyon ng bride na kitang-kitang nagulat sa pangyayari

- Ayon pa sa bride, dahil sa pangyayaring ito napatunayan niya umanong siya lang talaga ang pinakasalan ng kanyang mister

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-eksena sa social media ang nakatutuwang reaksyon ng bride na si Roviedelia Soriano-Villena sa cake-cutting moment ng wedding reception nila ng kanyang mister na si Christian.

Reaksyon ng bride sa cake-cutting moment nila ng groom, kinagiliwan ng netizens
Reaksyon ng bride sa cake-cutting moment nila ng groom, kinagiliwan ng netizens (Photo from Roviedelia Soriano - Villena/ Eric Gallardo Photography)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos na i-slice ang cake, imbis na subuan ni Christian ang kanyang bride, siya mismo ang kumain ng cake.

Kitang-kita naman ang pagkagulat ni Roviedelia na noo'y nag-aabang na siya'y subuan ng mister.

Read also

Emosyonal na groom, napahagalpak ng tawa nang makita ang kanyang 'bride'

Subalit dahil umano sa nangyaring iyon, napatunayan ng bride na siya lang talaga ang pinakasalan ng kanyang groom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Depensa pa ni Christian, hindi umano siya nakakadalo ng ibang mga wedding event kaya naman hindi niya alam na kailangan umanong subuan ng cake ang bride at ganoon din ito sa kanya.

Samantala narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Kayo naman, baka gutom lang si kuya. Hehe."
"Lalong naging memorable ang kasal nila. Ang Cute"
"Nakakaaliw si Bride, parang sinabi niya 'Luh, subo mo dapat sakin yung cake dear!'"
"Hindi po na-orient si Kuya, pero mukhang masarap nga 'yung cake nila"
"Congrats po! Ang kulit tuloy ng wedding niya."

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng The Philippine Star:

Bago pa man ang mga kasalan, tila nagiging creative lalo ngayon ang mga Pinoy na nagiging mas nakakakilig ang naiisip na wedding proposal sa gitna ng pandemya.

Read also

Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank

Kamakailan, nag-viral ang proposal kung saan nagkunwaring hinimatay ang nobyo na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.

Gayundin ang isang couple na mahilig sa online games na ginamit pa ng lalake ang paborito nilang laro na Genshin Impact para makapag-propose sa kanyang nobyang si Ronica.

Pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?)

Alam ni Ronica ang hirap ng nobyo mabuo lang ang kakaibang wedding proposal. Inabot daw ito ng isang buwan gayung kailangan pa nitong bilhin ang mga gamit para maisakatuparan ang ganap na labis na nagpasaya sa kanya na ngayong bride-to-be.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel