Emosyonal na groom, napahagalpak ng tawa nang makita ang kanyang 'bride'

Emosyonal na groom, napahagalpak ng tawa nang makita ang kanyang 'bride'

- Nauwi sa tawanan ang 'first look' ng groom sa kanyang bride

- Nagulat ang groom nang sabihan siya ng videographer na maari niyang makita ang bride bago ang mismong kasal

- Halos naiiyak na ang groom sahalo-halong emosyon bago makita ang kanyang pakakasalan

- Subalit napahagalpak sa tawanan ang lahat ng nasa photoshoot nang magkita na ang 'bride' at groom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang makulit na video ng ikakasal kung saan nauwi sa tawanan ang 'first look' ng groom sa kanyang bride.

Emosyonal na groom, napahagalpak ng tawa nang makita ang kanyang 'bride'
Emosyonal na groom, napahagalpak ng tawa nang makita ang kanyang 'bride' (Amavi Studios)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagulat ang groom na maari niyang makita ang kanyang bride bago ang mismo nilang kasal.

Iyon pala, pakana ng videographer ang lahat na i-prank ang groom at bihisan ng para sa bride ang Best Man nito.

Bago ang naturang shoot, makikita sa video na naluluha na ang groom dahil sa halo-halo nitong emosyon bago ang pagkikita nila muli ng kanyang bride.

Read also

Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi agad tumingin ang groom na noo'y hawak na ang kanyang 'Best Man'.

Kaya naman tila napaurong na ang mga luha ng groom nang makitang hindi pala ang bride niya ang kaharap kundi ang kanyang best man.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Amavi Studios na naibahagi rin ng GMA News:

Bago pa man ang mga kasalan, tila nagiging creative lalo ngayon ang mga Pinoy na nagiging mas nakakakilig ang naiisip na wedding proposal sa gitna ng pandemya.

Kamakailan, nag-viral naman ang proposal kung saan nagkunwaring hinimatay ang nobyo na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.

Gayundin ang isang couple na mahilig sa online games na ginamit pa ng lalake ang paborito nilang laro na Genshin Impact para makapag-propose sa kanyang nobyang si Ronica.

Read also

9-anyos na batang tumugtog ng 'Kay Leni Tayo' gamit ang piano sa isang mall, viral

Pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?)

Alam ni Ronica ang hirap ng nobyo mabuo lang ang kakaibang wedding proposal. Inabot daw ito ng isang buwan gayung kailangan pa nitong bilhin ang mga gamit para maisakatuparan ang ganap na labis na nagpasaya sa kanya na ngayong bride-to-be.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel