Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank

Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank

- Sa kanyang bagong vlog episode, isang prank ang ginawa ni Angeline Quinto para sa April fools

- Naglagay siya ng ilang camera habang siya ay nag-eexercise para makunan ang kanyang prank

- Nagkunwari siyang pumutok na ang kanyang panubigan na ikinataranta ng kanyang mga kasama sa condo unit na kanilang tinuluyan

- Kabilang sa kanyang nakasama ay ang kanyang pinsan, ang kasambahay niya at ang kanyang partner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maitago ang pagkakataranta ng kasamahan ni Angeline Quinto sa bahay matapos nilang makita ang ayon kay Angeline ay ang kanyang pumutok na panubigan. Ito ang kanyang April fools prank.

Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Naglagay siya ng ilang camera habang siya ay nag-eexercise para makunan ang kanyang prank. Binasa niya rin ng tubig ang isang bahagi ng kanyang hita upang maging mas kapani-paniwala ang kanyang prank.

Read also

Designer na si Jojo Bragais, may pasaring tungkol sa di pag-acknowledge sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagkangarag, marami ang nakapansin sa pag-aalaga ng partner ni Angeline sa kanya nang marinig nito ang kalagayan ni Angge:

Subrang tawa ko kasi tinanggal na ng partner mo ang mga underwear sa hanger heheheh i love you Angge!excited nako makita si baby bobby..ingat po palagi..Ang sweet ng partner mo Angge
Triple Kill haha. Natawa ko kay Kuya Non nagsuot agad ng mask hahahaa. Its a success congratulations Ate Angge. Ilang kembot na lang lalabas na si Baby Bobby Godbless po.
Kinilig ako sa vlog niyo ate Angge your partner having similarities to my partner sobrang caring

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel