Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

- Isa ang Kapamilya Comedian na si Eric Nicolas sa nagiging guest sa mga campaign sorties ng UniTeam

- Sa isang Facebook post ay binahagi ni Eric na wala umanong masamang tinapay para sa kanya

- Aniya, trabaho iyon para sa kanya para mapakain niya ang pamilya niya lalo at hindi naman na siya bumabata

- Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta kay Eric at may mga nagsabing hinahangaan pa rin nila ang komedyante kahit ibang kandidato ang kanilang sinusuportahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na umani ng mga komento ang pahayag ng Kapamilya comedian na si Eric Nicolas kaugnay sa pagiging bahagi niya ng kampanya ng UniTeam. Aniya, trabaho ito para sa kanya at walang masamang tinapay umano para sa kanya.

Kapamilya comedian, umaming trabaho lang ang pangangampanya sa UniTeam
Eric Nicolas
Source: Facebook

Inamin niya rin na minsan lang dumating ang pagkakataon para sa kanya at hindi na rin siya bumabata kaya kailangan niyang magtrabaho para mapakain niya ang kanyang pamilya.

Walang masamang tinapay para SA akin...Trabaho po para mapakain ang pamilya ko.Minsan lang to at hindi na ko bumabata.Mabuhay ang lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang si Eric sa mga Kapamilya stars na naging bahagi ng UniTeam campaign sorties. Maging sina Lyca Gairanod, Andrew E, Karla Estrada at Ruffa Mae Quinto ay nagpakita din ng kanilang suporta para sa Tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta kay Eric at may mga nagsabing hinahangaan pa rin nila ang komedyante kahit ibang kandidato ang kanilang sinusuportahan. May mga taga showbiz din na sumang-ayon sa naging pahayag ni Eric.

Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.

Kamakailan ay naganap ang isang people's rally sa Pasig na dinaluhan ng mga "Kakampink." Ilan sa mga personalidad na dumalo sa tinaguriang "Pasiglaban" ay sina Donny Pangilinan, Ebe Dancel, Itchyworms, Rivermaya, Ben and Ben, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Janine Gutierrez, Julia Barretto, Angel Locsin at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel