Donny Pangilinan, kitang-kitang nakurot sa isang viral video mula Pasig rally

Donny Pangilinan, kitang-kitang nakurot sa isang viral video mula Pasig rally

- Viral ang video kung saan kitang-kita na nakurot ang aktor na si Donny Pangilinan sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem'

- Naglalakad na patungong sasakyan ang aktor nang mayroong kumurot sa kanya

- Makikita naman na sa pagpasok nito ng sasakyan, hinawakan pa ni Donny ang pisngi na tila nasaktan sa pagkakapisil

- Kasama ni Donny ang kapatid na si Hanna at amang si Anthony upang ikampanya ang kanyang tito na si Senator Kiko Pangilinan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang video kung saan makikitang nakurot si Donny Pangilinan nang dumaraan sa crowd ng Pasig rally noong Marso 20.

Donny Pangilinan, kitang-kitang nakurot sa isang viral video mula Pasig rally
Donny Pangilinan, kitang-kitang nakurot sa isang viral video mula Pasig rally (VP Leni Robredo/ Pasgilaban para sa Tropa)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa si Donny sa mga celebrities na nagpakita ng suporta sa campaign rally sa Pasig City nina Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo ng bansa at ng kanyang Uncle na si Senator Kiko Pangilinan bilang bise presidente ng 'Team Angat senatoriables.'

Read also

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Ibinahagi ng TikTok user na si @cell.db ang video kung saan isang fan ang hindi nakapagpigil at napisil ang pisngi ng aktor nang mapadaan ito patungo sa kanilang sasakyan.

Makikita ring napahawak sa kanyang pisngi ang aktor nang papasakay na siya sa van at tila nasaktan ito sa nagawa ng fan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, tila ito na ang simula ng pagsama ng aktor sa kampanya ng kanyang uncle Kiko. Sinabing kagagaling lamang sa lock-in taping ng isang proyekto kaya noong Marso 20 lamang ito nakasama sa kampanya gayung matagal na siyang inihihirit ng mga 'Kakampink' na maisama ni Senator Kiko.

Kasama ni Donny ang kapatid na si Hanna at kanilang ama na si Anthony Pangilinan bilang mga kinatawan ni Senator Kiko Pangilinan na hindi nakadalo sa Pasig rally dahil sa pinaunlakan nito ang imbitasyon ng Comelec para sa Vice Presidential debate.

Read also

Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her' na nababalita nang magkakaroon ng Season 2. Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind.'

Si Donny ay pamangkin ni Senator Kiko Pangilinan gayung kapatid nito ang kanyang ama na si Anthony Pangilinan.

Bukod kay Donny, ilan sa mga kaanak at mahal sa buhay ni Senator Kiko na sumasama sa kanyang kampanya ay ang misis na si Megastar Sharon Cuneta at Gab Valenciano na anak naman ng kapatid niyang si Angeli at ni Mister Pure Energy, Gary Valenciano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel