Donny Pangilinan, sasama sa kampanya ayon sa kanyang VP aspirant uncle Kiko Pangilinan

Donny Pangilinan, sasama sa kampanya ayon sa kanyang VP aspirant uncle Kiko Pangilinan

- Sasama sa kampanya ang aktor na si Donny Pangilinan ayon sa kanyang uncle at VP aspirant Senator Kiko Pangilinan

- Ito ay matapos nilang makita sa ilang mga placards sa iba't ibang lugar na hiling umano ng mga tao na makita sa kampanya si Donny

- Hindi pa man nagbigay ng detalye si Senator Kiko kung kailan at saan makakasama si Donny sa kanya

- Si Donny ay anak ng aktres na si maricel Laxa at Anthony Pangilinan na kapatid naman ni Senator Kiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang umano'y pagsama ng aktor na si Donny Pangilinan sa kampanya ng kanyang uncle Kiko Pangilinan na tumatakbo bilang bise presidente ng bansa darating na eleksyon sa Mayo 9.

Donny Pangilinan, sasama sa kampanya ayon sa kanyang VP aspirant uncle Kiko Pangilinan
Donny Pangilinan (Photo: Donny Pangilinan)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos makita ni Senator Kiko sa mga placards ng kanilang supporter ni presidential Leni Robredo na hinihirit ng karamihan ang pamangkin na si Donny, tila maisasama niya ito sa mga susunod na kampanya.

Read also

Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'

Matapos ang viral tweet niya na "Gusto niyo ba?" kasama ang placard na may nakasulat na "Sen. Kiko, pakilabas si Donny," muli niya itong nabanggit sa publiko nang bumisita sila sa Koronadal City noong Marso 15.

Hindi man nagbigay pa kung kailan at saang kampanya niya maisasama ang 'He's Into Her' actor, marami ang na-excite na makitang sinusuportahan ni Donny ang kanyang Uncle Kiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her' na nababalita nang magkakaroon ng Season 2. Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind.'

Read also

Leni Robredo, hindi naapektuhan ng bashers ayon sa mga anak na sina Aika at Tricia

Si Donny ay pamangkin ni Senator Kiko Pangilinan gayung kapatid nito ang kanyang ama na si Anthony Pangilinan.

Bukod kay Donny, ilan sa mga kaanak at mahal sa buhay ni Senator Kiko na sumasama sa kanyang kampanya ay ang misis na si Megastar Sharon Cuneta at Gab Valenciano na anak naman ng kapatid niyang si Angeli at ni Mister Pure Energy, Gary Valenciano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel