Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'

Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'

- Trending ngayon sa Twitter si Sarah Geronimo dahil sa larawan nito kasama si Nica Del Rosario

- Si Nica ang composer ng hit song ng 'popstar royalty' na pinamagatang 'Tala'

- Ang naturang composer din ang nasa likod ng makabuluhang kanta na 'Rosas' para sa kampanya ni Leni Robredo

- Madalas din ito nakakasama sa mga people's rally ni Robredo kamakailan at siya ring lumikha ng kanyang 'Kay Leni Tayo'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Trending ngayon ang popstar royalty na si Sarah Geronimo dahil sa larawan kung saan nakasama nito si Nica Del Rosario.

Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'
Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan ang larawang ito gayung si Nica ang composer ng makabuluhang awiting 'Rosas' para sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa.

Siya rin ang nasa likod ng sikat na awitin ni Sarah G na 'Tala.'

Read also

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

Dahil dito, nagkaroon umano ng haka-haka ang mga netizens na bagaman at si Nica at si Gab Pangilinan na ang kumanta ng 'Rosas', maaring magkaroon din ng bersyon si Sarah G nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"OMG! Is Sarah a Kakampink?"
"Ayaw kong mag-overthink pero kung magkakaroon ng version si Sarah ng 'Rosas', mas lalo akong maiiyak"
"Sobrang heartwarming na nga ng Rosas, what if si Sarah pa 'yung kumanta?"
"Looking at this picture, I can't unhear it na si Sarah na ang kumakanta ng Rosas"

Narito ang larawang naibahagi rin ng Kapamilya online World:

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Read also

Ukrainian actor na nasawi, ibinigay pala ang bulletproof vest sa buhat na bata

Sobrang happy naman ngayon si Sarah G na kamakailan lang ay nagdiwang ng ikalawang anibersaryo ng kasal nila ni Matteo Guidicelli.

Gayunpaman, matatandaang noong Kapaskuhan ng 2021, nag-viral ang emosyonal na pag-awit ni Sarah ng 'Sana ngayong Pasko'.

Maging ang batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz ay nakapagbigay komento rito matapos na mapansin ng netizens na tila pamilya raw ni Sarah G ang naiisip nito habang ito'y kinakanta niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel