Concert ni Sarah Geronimo, mapapanood na rin sa GMA network

Concert ni Sarah Geronimo, mapapanood na rin sa GMA network

- Inilabas ng GMA network ang teaser ng digital concert ni Sarah Geronimo

- Marami ang nagulat dahil mapapanood nila ang Pop Star Royalty sa Kapuso Network

- Halo-halo ang naging reaksyon ng netizens at marami ang na-excite na mapanood muli ang pagtatanghal ni Sarah G sa entablado

- Inaasahan na mapapanood ang kanyang concert sa GMA ngayon buwan ng Hulyo 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang teaser na inilabas ng GMA network para sa "TALA: The Film Concert" ng nag-iisang 'Pop Star Royalty' na si Sarah Geronimo.

Nalaman ng KAMI na maraming netizens ang nagulat nang malamang mapapanood nila sa Sarah Geronimo sa Kapuso Network dahil doon ipalalabas ang kanyang pinabagong concert na unang napanood sa Vivamax.

Concert ni Sarah Geronimo, mapapanood sa Kapuso network
Photo: Sarah Geronimo kasama ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Agad na umani ng iba't ibang reaksyon ang nasa 30 segundo na teaser na karamihan at na-excite na mapanood muli si Sarah G na itinuturing na isa sa mga pinakamagagaling na performer ng bansa.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Omg! Si Sarah G! Finally mapapanood ko na ito on TV"
"Kahit pa yan Sarah G, basta show mo, papanoorin ko"
"Aabangan ko talaga ito, sobrang galing kasi ni Sarah 'di lang sa pagkanta"
"Waaah, kelan po kaya ito? Nakaka-excite naman"
"Kahit anong oras pa 'yan ipalalabas, papanoorin ko 'yan kahit pa pumasok sa work na puyat. hehe"

Inaasahang mapapanood ito sa Kapuso network ngayong buwan ng Hulyo.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Kamakailan, ginulat ni Sarah G ang publiko sa kanyang bagong hairstyle. Sa ilang taon kasi niya sa industriya noon lamang siya nakita na nagpagupit ng ganoon ka-iksi na bumagay pa rin sa ganda ng mahusay na singer/actress sa bansa.

Read also

Jennylyn Mercado, ibinahagi ang picture ng anak nila ni Patrick Garcia

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel