Jennylyn Mercado, ibinahagi ang picture ng anak nila ni Patrick Garcia

Jennylyn Mercado, ibinahagi ang picture ng anak nila ni Patrick Garcia

- Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang picture nila ng kanyang anak na si Alex Jazz sa social media kamakailan

- Malaki na ang anak ng aktres sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia at marami ang nakapansin sa artistahing dating nito

- Marami rin ang nakapansin sa malaking pagkakahawig nito sa kanyang ama

- Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Patrick, hindi lingid sa publiko ang maayos na samahan nila maging ng kasalukuyang asawa nito na si Nika Garcia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin ang kapogian ng anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Alex Jazz nang ibahagi ni Jen ang picture nilang mag-ina kamakailan.

Anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, agaw-pansin sa social media
Alex Jazz and Jennylyn mercado (@mercadojenny)
Source: Instagram

Marami ang nakapansin sa malaking pagkakahawig nito sa kanyang ama. Hindi napigilang mapakomento ng ilang celebrities sa ibinahaging ito ni Jen.

Ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay tila nagulat na malaki na ang kanyang inaanak.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Grabe may binata na akong inaanak! Pogi ni Jazzy Boy!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser.

Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel