Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga

Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga

- Hanga umano si Cristy Fermin sa magandang pag-uugali ng aktor na si Diego Loyzaga

- Kamakailan ay nakausap niya ang aktor na marespetong nakiusap sa kanya na burahin ang isang artikulo

- Doon makikita raw kung gaano kaganda ang pagpapalaki kay Diego ng kanyang ina na si Teresa Loyzaga

- Sa kabila nito, diretsahan naman niyang sinabi sa aktor na ayaw niya sa ex-girlfriend nito na si Barbie Imperial

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Puring-puri ni Cristy Fermin ang magandang pag-uugali umano ng aktor na si Diego Loyzaga.

Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga
Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay kumontak ang aktor sa kanyang Tita Cristy kaugnay sa mga naisulat nitong artikulo tungkol sa kanila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial.

Sa kabila ng mga tanong at pakiusap ng aktor, kitang-kita umano ang pagiging marespeto nito sa batikang kolumnista na labis naman nitong hinangaan sa kanya.

Read also

Newlyweds, 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception

"Sa kabuuan ng pag-uusap namin ni Diego, makikita mo kung gaano kaganda ang pagpapalaki sa kanya ni Teresa Loyzaga!" ani Cristy Fermin na natutuwa pa sa paggamit ng aktor ng 'po at opo'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Binubukod tangi ko si Diego. Una namumupo, pangalawa low key, pangatlo nagtatanong hindi nanghuhusga," paliwanag ng respetadong showbiz reporter.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Diego Loyzaga ay isang aktor sa Pilipinas na anak ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Kababalik lamang kamakailan ng aktor mula sa naging bakasyon niya sa Amerika na isa umano sa naging ugat ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Barbie Imperial.

Naikwento naman ng online personality na si Xian Gaza ang mga detalye umano ng hiwalayan ng dalawa na naganap bago magtungo si Diego sa Amerika kung saan ito nagdiwang ng Kapaskuhan noong 2021.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel