Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin kaugnay sa lumabas na mga larawan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na magkasamang muli

- Matatandaang nito lamang Pebrero, kinumpirma ni Barbie ang hiwalayan nila ni Diego na noo'y nasa Amerika

- Binalikan ni Cristy ang umano'y dating nabanggit ni Barbie na hindi na umano siya nakikipagbalikan sa kanyang naging ex na

- Ayon sa batikang showbiz reporter, mahirap umanong tantyahin ang utak ng dalawang dating magkasintahan na maaring naging magkaibigan na lamang o maaring nagkaroon lamang ng closure sa kanilang naging relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin sa kanyang bagong YouTube channel na "Showbiz Now Na!" ay ang mga lumabas na larawan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na muling magkasama.

Nalaman ng KAMI na kuha ang mga larawan sa isang restaurant sa Pasig City ngayon na nakabalik na ng bansa ang aktor.

Read also

Cristy Fermin, inalala ang alegasyon ni Cesar kina Diego at Sunshine na nagkaayos na ngayon

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"
Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"
Source: Facebook

Ayon kay Cristy, tila mahirap tantyahin ang mga 'batang' naging magkarelasyon na ito sa kung ano ang dahilan ng pagkikita muli nila.

"Batang pag-ibig kasi ito e, pupwede na nagkausap sila para sa pagkakaibigan na lang. Siguro naman panindigan nila 'yung sinabi nila na pag may iniwan hindi na sila nakikipagbalikan, panindigan nila 'yun." pahayag ng batikang showbiz reporter.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay kaugnay sa minsan nang naitanong kay Barbie kung may posibilidad bang magkabalikan sila ni Diego. Ayon kay Barbie, base umano sa kanyang karanasan, hindi pa siya kailanman nakipagbalikan sa naging ex-boyfriend na niya.

"Bakit, hindi ba pwedeng maging magkaibigan ang naging magkarelasyon dati?" dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan na mapapanood sa bagong YouTube channel niya na Showbiz Now Na!:

Si Diego Loyzaga ay isang aktor sa Pilipinas na anak ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Read also

Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon

Kababalik lamang kamakailan ng aktor mula sa naging bakasyon niya sa Amerika na isa umano sa naging ugat ng hiwalayan umano nila ni Barbie Imperial.

Base umano ito sa online personality na si Xian Gaza na idinetalye umano ang hiwalayan ng dalawa.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel