Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon

Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon

- Kasalukuyang tumatakbo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro ang aktor na si Ejay Falcon

- Sa pagkumusta sa kanya ni Ogie Diaz, napag-alamang pinag-isipan talaga ni Ejay ang pagpasok niya sa pulitika at sa pagiging bise gobernador agad

- Nang maitanong ni Ogie D kung may balak pa ring magbalik showbiz si Ejay, sinabi niyang bukas pa rin ang pinto niya sa mga oportunidad

- Aniya, malaki ang utang na loob niya sa showbiz at tila nasa dugo na raw niya ang pag-arte at pagbibigay saya sa mga tao mapa-pelikula man o teleserye

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumusta ni Ogie Diaz ang aktor na si Ejay Falcon na kasalukuyang tumatakbo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro.

Nalaman ng KAMI na matagal-tagal na umanong panahon na hindi nakikita sa telebisyon ang aktor na pinasok na umano ang pulitika.

Read also

Mga larawang kuha sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Bulacan, viral

Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon
Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Kwento ni Ejay, tila napansin umano ng kanilang gobernador ang hilig niya sa pagtulong sa mga Mindorenyo.

Naniniwala rin umano ang mga ito sa kanyang kakayahan para mamuno at maglingkod kaya naman nagdesisyon na siyang pasukin ang pulitika.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sabi ng aming governor e potential lider daw ako dahil nasa puso ko raw talaga ang pagtulong and sinabi niya sa akin na bakit hindi ko raw palawakin ang pagtulong kaya pinag-isipan kong mabuti"

Naitanong din sa kanya ni Ogie Diaz kung bakit Vice Governor kaagad ang posisyong nais pasukin ni Ejay.

Sinabi niyang board member daw ang unang posisyon na inalok sa kanya bago pa man magpandemya.

Subalit mismong ang gobernador umano nila ang siyang nagkumbinsi sa kanya para maging running mate nito.

"Bakit hindi e kung 'yung aming gobernador nga sabi ko nga 'yung pagkakapili sa akin is napakamapalad ko. Blessing 'yun na sa dinami-dami ng may potensyal na maging lider sa aming lalawigan, ako 'yung napili."

Read also

Leni Robredo, binabasa ang placards sa campaign rally; "Kung ano-ano naiisip niyo"

Naitanong din ni OGie D kay Ejay ang posibilidad na bumalik pa ito ng showbiz sa kabila ng pagpasok nito sa pulitika.

"May panahon tayo na, depende sa schedule. Pero siyempre ito ang pinasok ko and alam ko bago pa lang ako dito, so ibibigay ko muna 'yung 100% para rito. Pero siguro kung gamay ko na ang lahat at alam ko nang kayang-kaya kong ayusin 'yung mga schedule... Pwede namang tumanggap," ani Ejay.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie na bahagi ng Showbiz Update nito sa kanyang YouTube channel:

Si Edward Jake Lasap Falcon, o mas kilala bilang si Ejay Falcon, ay isang Pinoy-French actor, endorser, at model sa bansa. Siya ang itinanghal na “Big Winner” ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus, kung saan nakatunggali niya ang kilalang host ngayon na si Robi Domingo.

Kamakailan, ibinahagi ni Ejay ang larawan niya kung saan binalikan niya ang mga panahong naging isa siyang kargador. Sa kanyang post, sinabi niyang 15 taon na ang nakakaraan noong rumaraket lamang siya sa Mindoro.

Isa rin si Ejay sa nagpakita ng suporta sa Kapamilya network na sinubok noong nakaraang taon nang hindi na ito maka-renew muli ng prangkisa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel