Cristy Fermin, inalala ang alegasyon ni Cesar kina Diego at Sunshine na nagkaayos na ngayon

Cristy Fermin, inalala ang alegasyon ni Cesar kina Diego at Sunshine na nagkaayos na ngayon

- Naikwento ni Cristy Fermin ang matinding away ng mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga

- Nagduda raw umano si Cesar kina Diego at Sunshine Cruz noon na humantong pa sa pagpapalayas sa anak

- Ngayon, nagkaayos naman na ang dalawa na mayroon pang larawang nagpapakitang nag-basketball pa sila kalakip ng magandang caption ni Diego

- Matatandaang madalas na rin na lumabas si Diego kasama ang mga kapatid niya na anak ni Sunshine kay Cesar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang video sa bagong channel ni Cristy Fermin na 'Showbiz Now Na!' matitindi ang naging pasabog nito patungkol sa nakaraang away ng mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga.

Cristy Fermin, inalala ang alegasyon ni Cesar kina Diego at Sunshine na nagkaayos na ngayon
Cristy Fermin, inalala ang alegasyon ni Cesar kina Diego at Sunshine na nagkaayos na ngayon
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na napag-usapan ito nina Cristy sa kanyang channel dahil sa lumabas na larawan nina Cesar at Diego kamakailan na magkasamang nag-basketball.

Read also

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

Kwento ni Cristy, marami ang naging alegasyon ni Cesar sa anak at ang isa na rito ay ang kaugnayan nito sa pagdodroga.

Subalit bukod umano sa dahilang ito, may mabigat pang rason si Cesar kung bakit tuluyang napunta sa tiya nitong si Bing Loyzaga si Diego na sumama talaga ang loob sa ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Natural, galit na galit si Teresa Loyzaga at si Diego, lumipat ng bahay kay Bing Loyzaga. Kasi nakatira noon si Diego mula Australia kay Cesar at kay Sunshine," ayon sa batikang showbiz reporter.

"Pero bukod pa doon sa isyu ng droga na wala namang makapagpapatunay kung totoo o ano, meron isang matinding problema na namagitan sa kanila,
"Napakapersonal po nito mga kapatid, Pero kung maaalala po natin, at sa pagkakatanda ko, nagkaroon po noon ng matinding isyu na talaga namang hindi kayang lunukin ng kahit sino lalo na ni Diego Loyzaga at ni Teresa,

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

"Noong mga panahong iyon mga ka-chika, pinagdudahan ni Cesar ang kanyang anak na si Diego at asawang si Sunshine na may something-an," ang matinding pasabog umano ni Cristy.
"May kakaiba raw ginagawa at napansin niya 'yun. 'Yun ang konsepto niya noon na kailangan lumayas ni Diego sa kanyang bahay dahil nagduda siya sa isang pangyayari na hindi naman ginagawa ng dalawa."

Kaya naman ngayon, malaking bagay na nagkaayos na ang mag-ama matapos na umano'y unang mag-move ni Diego sa ama.

"At saka ang ganda noong sinabi niya, it's been so many years, ang pangit naman kung di ko manlang nakikita ang tatay ko... 'Di ba, ang galing ano?" dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang chika mula sa YouTube channel na 'Showbiz Now Na!"

Si Diego Loyzaga ay isang aktor sa Pilipinas na anak ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media si Diego dahil sa umano'y hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Barbie Imperial. Sinundan pa ito ng video ng online personality na si Xian Gaza na idinetalye umano ang hiwalayan ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel