Newlyweds, 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception

Newlyweds, 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception

- Viral ngayon ang video ng bagong kasal na 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception

- Nagulat ang mga bisita maging ang kumuha ng video at natuwa nang marinig ito

- Mapapansin din na ang bisita na nakisayaw sa pagpasok ng bagong kasal

- Ang 'Kay Leni Tayo' ay isa sa mga campaign songs ni Vice President Leni Robredo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng bagong kasal na 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception.

Newlyweds, 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception
Newlyweds, 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception (Photo from Gerry Cacanindin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang awiting 'Kay Leni Tayo' ay isa sa mga campaign songs ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Sa video na naibahagi ni Gerry Cacanindin, makikitang nag-aabang ang mga bisita sa pagpasok ng bagong kasal.

Read also

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

Laking gulat nila nang patugtugin ang 'Kay Leni Tayo' sabay pasok ng bagong kasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang kumukuha ng video ay nagulat nang marinig ang awitin habang napasayaw naman ang bisita kasabay ng mga bagong kasal nang makapasok na ito sa venue.

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan, nag-viral din ang ilang mga video na kuha sa ginanap na PasigLaban campaign rally ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem.

Katunayan, isa sa mga video clips ay nakaagaw-pansin sa American singer na si Ariana Grande. Halos hindi ito makapaniwala sa dami ng taong kumakanta ng kanyang awiting 'Break Free.'

Naibahagi niya ito sa kanyang Instagram kung saan mayroon siyang 300 million followers.

Samantala ang aktor namang si Donny Pangilinan na sumuporta sa kanyang Uncle Kiko Pangilinan sa kandidatura nito bilang bise presidente ay may bahagyang hindi magandang karanasan sa paglalakad nito sa crowd ng PasigLaban.

Read also

Donny Pangilinan, kitang-kitang nakurot sa isang viral video mula Pasig rally

Sa isang video, kitang-kita ang pagkurot ng isang fan kay Donny nang mapadaan ito sa may pwesto nila.

Kahit may kasamang security tila napuruhan ang aktor na hinawakan na ang pisngi marahil sa sakit habang papasok ito ng sasakyan.

Si Donny ay isa lamang sa mga artista at musicians na taos-pusong pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo sa pagsuporta at pakikiisa sa kanya nang walang kabayaran para sa kanila ni Senator Kiko gayundin ang mga senatoriables ng kanilang 'Team Angat.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel