VP Leni, pinasalamatan ang mga celebrities na nagpasaya sa Pasig rally

VP Leni, pinasalamatan ang mga celebrities na nagpasaya sa Pasig rally

- Pinasalamatan ni Vice Presidente Leni Robredo ang lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na Pasig rally ng kanyang grupo

- Lalong-lalo na ang mga celebrities at musicians na nakiisa kahit umano walang bayad

- Mula sa hosts, performers at maging si Angel Locsin na umiikot lamang sa lugar para suportahan ang mga 'Kakampink'

- Naitala rin ang pinakamalaking bilang ng mga dumalo sa Pasig rally noong Linggo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang matagumpay na People's rally ng 'Leni Robredo-Kiko Pangilinan' tandem sa Emerald Avenue sa Pasig City, taos-pusong pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang lahat ng naging bahagi ng nasabing pagtitipon.

VP Leni, pinasalamatan ang mga celebrities na nagpasaya sa Pasig rally
VP Leni, pinasalamatan ang mga celebrities na nagpasaya sa Pasig rally (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan niya ang mga organizers na itinodo umano ang paghahanda para sa malaking kaganapan na dinaluhan ng tinatayang nasa 137,000 na katao.

"Thank you, most specially, to the PASIGLABAN Organizers (our Pasig volunteers) for all the sleepless nights, for going beyond all our expectations, and all the love you poured in."

Read also

Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink

Gayundin ang mga mahuhusay na performers na bagaman walang bayad ay pinaunlakan ang campaign rally ng 'Team Angat senatoriables' at ng Leni-Kiko tandem sa pagka-pangulo at bise presidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Thank you to our guest performers, who not only performed for free, but risked, and continue to risk, their careers because of their great love of country," ani VP Leni.

"Mabuhay po kayong lahat. Ito ang tunay na pag-asa at pagkakaisa," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica