Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink

Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink

- Maging ang International Star na si Ariana Grande ay naibahagi ang naging kaganapan sa Pasig rally ng 'Leni- Kiko tandem'

- Sa kanyang IG story, ibinahagi ni singer/ actress ang short clip na nagpapakita ng dami ng tao sa katatapos lamang na campaign rally

- Dinaluhan ito ng tinatayang nasa 137,000 na katao na nagsimulang dumagsa bandang tanghali

- Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo sa lahat ng mga naging campaign rally ng 'Team Angat' at ng 'Leni-Kiko tandem'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ng International Star na si Ariana Grande ang short clip na kuha sa People's rally ng mga Kakampink sa Pasig City nitong Marso 20.

Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink
Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink (@arianagrande)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa kanya mismong Instagram Story, ibinahagi ng singer/actress ang video kung saan makikita ang dami ng supporters ng presidential candidate na si Leni Robredo at vice presidential candidate na si Kiko Pangilinan.

May caption ang story ni Ariana na "I could not believe this was real" at "I love you more than words"

Maririnig din sa naturang crowd ang sabay-sabay nilang pagkanta ng awitin ni Ariana ng 'Break Free'.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatayang nasa 137,000 ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa campaign rally na ito na ginanap sa Emerald Avenue sa Pasig City.

Sa drone shot, makikitang halos hindi mahulugang karayom ang Emerald Avenue sa Pasig na pinuno ng 'Leni-Kiko' supporters.

Maging mga kilalang personalidad ay boluntaryong nagtungo at sumuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Isa na rito si Angel Locsin na umiikot sa lugar upang makipagkumustahan sa mga kapwa niya Kakampink na naroon. Sina Robi Domingo, Julia Barretto at Melai Cantiveros ang mga host ng pagtitipon.

Alas dose pa lamang ng tanghali ay nagsisimula nang dumami ang tao sa lugar na hindi umano nakaramdam ng gutom sa dami ng mga namamahagi ng pagkain doon na libre mula sa mga volunteers din.

Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink
Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink (@arianagrande)
Source: Instagram

Narito ang video clip na naibahagi rin ng CNN Philippines:

Si Ariana Grande ay isang 28-anyos na American Singer, songwriter at actress. Mayroon na siyang 300 million followers sa Instagram kung saan niya naibahagi ang nasabing video clip.

Bukod kay Ariana isa rin sa mga international star na nagkomento ukol sa kandidatura ni VP Leni Robredo ay si Cher.

Hindi napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na pasalamatan si Cher para rito at sinabing ang kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan ang running mate ni VP Leni.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel