Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

- Viral ngayon ang maiksing video kung saan na- engage ang Kakampink couple sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

- Sinasabing naganap ito habang kumakanta ang bandang 'Ben and Ben' sa pagtatapos ng nasabing pagtitipon

- Tinatayang nasa mahigit 130,000 katao ang kabuuang bilang ng mga nagsidalo sa campaign rally na ito

- Dinaluhan din ito ng mga kilalang personalidad, aktres, aktor at maging mga musicians na sumusuporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang kinilig sa viral video kung saan na-engage ang Kakampink couple na dumalo sa campaign rally sa Pasig City.

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City
Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City (Photo from Migo Maaliv)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naganap ito nang kumanta na ng 'Pagtingin' ang bandang Ben and Ben na isa rin sa mga volunteer performers para kay Vice President Leni Robredo.

Read also

Free food mula sa volunteers ng 'Leni-Kiko tandem' campaign rally, bumuhos sa Pasig

Makikita sa video na lumuhod ang lalake at tinanong ang kanyang girlfriend na agad namang sinagot siya ng "Yes." Matapos ito, makikinig nang humihiyaw ng Leni ang mga nakasaksi ng engagement gayundin ang ang mismong Kakampink couple na nagpakilig sa pagtitipon.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi ni Migo Maaliv:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatayang nasa 80,000-137,000 ang sinasabing bilang mga taong nakadalo ng pagtitipon na ginanap sa Emerald Avenue sa Pasig City.

Alas dose pa lamang ng tanghali ay nagsisimula nang dumami ang tao sa lugar na hindi umano nakaramdam ng gutom sa dami ng gma namamahagi roon ng pagkain.

Sa drone shot, makikitang halos hindi mahulugang karayom ang Emerald Avenue sa Pasig na nagsimulang dumugin ng 'Leni-Kiko' supporters bandang alas-dose pa lamang ng tanghali.

Maging mga kilalang personalidad ay boluntaryong nagtungo at sumuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Read also

Larawan ng lolo at lola na matiyagang dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem', viral

Isa na rito si Angel Locsin na umiikot sa lugar upang makipagkumustahan sa mga kapwa niya Kakampink na naroon. Sina Robi Domingo, Julia Barretto at Melai Cantiveros ang mga host ng pagtitipon.

Nag-perform din si Jolina Magdangal ng sarili niyang bersyon ng 'Anak ng Pasig.'

At pinakaabangan din ang pag-awit ni Ebe Dancel na siyang nagpakilala kay VP Leni bago ito magsalita na sinundan naman ng bandang Ben & Ben na kamakailan ay inihayag ang pagsuporta nila sa kandidatura ni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel