Free food mula sa volunteers ng 'Leni-Kiko tandem' campaign rally, bumuhos sa Pasig
- Bumuhos ang librang pagkain sa katatapos lamang na campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Pasig City
- Mula sa tubig, biskwit, iced coffee, iba't ibang street foods, boluntaryong ipinamimigay ng mga grupo ng supporters ni Vice President Leni Robredo
- Kaya naman ang mga nagsidalo ay hindi raw nagutom kahit mula pa alas dose ng tanghali ang ilan sa kanila'y nasa lugar na
- Tinatayang nasa 137,000 ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi lamang mga tao ang bumuhos kundi maging libreng pagkain ay umaapaw sa campaign rally sa Pasog City ng 'Team Angat' senatoriables at nina presidential candidate VP Leni Robredo at running mate nito sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.
Nalaman ng KAMI na iba't ibang uri ng pagkain ang libreng ipinamamahagi ng mga volunteers at supporters ng 'Leni-Kiko tandem.'
Mula sa tubig, biskwit, pink taho, pink cupcakes, pink ice cream, iced soffee, iba't ibang street foods at marami pang iba, ipinamimigay ito ng libre, malinis at maayos.
Tinatayang nasa 80,000-137,000 ang sinasabing bilang mga taong nakadalo ng pagtitipon na ginanap sa Emerald Avenue sa Pasig City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Alas dose pa lamang ng tanghali ay nagsisimula nang dumami ang tao sa lugar na hindi umano nakaramdam ng gutom sa dami ng gma namamahagi roon ng pagkain.
Sa drone shot, makikitang halos hindi mahulugang karayom ang Emerald Avenue sa Pasig na nagsimulang dumugin ng 'Leni-Kiko' supporters bandang alas-dose pa lamang ng tanghali.
Maging mga kilalang personalidad ay boluntaryong nagtungo at sumuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Isa na rito si Angel Locsin na umiikot sa lugar upang makipagkumustahan sa mga kapwa niya Kakampink na naroon. Sina Robi Domingo, Julia Barretto at Melai Cantiveros ang mga host ng pagtitipon.
Nag-perform din si Jolina Magdangal ng sarili niyang bersyon ng 'Anak ng Pasig.'
At pinakaabangan din ang pag-awit ni Ebe Dancel na siyang nagpakilala kay VP Leni bago ito magsalita na sinundan naman ng bandang Ben & Ben na kamakailan ay inihayag ang pagsuporta nila sa kandidatura ni Robredo.
Samantala, narito ang mga larawan mula sa pagtitipon na naibahagi ni Migo Maaliv, Niño San Jose at Rowie Tarroza:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Source: KAMI.com.gh