VP Leni Robredo, pinasalamatan ang bandang Ben&Ben na suporta nito mula pa 2016

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang bandang Ben&Ben na suporta nito mula pa 2016

- Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang bandang Ben and Ben na matagal nang sumusuporta sa kanya

- Kamakailan ay inihayag ng banda ang boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ni Robredo

- Naikwento naman ng bise presidente na taong 2016 ay nakilala na niya ang bandang napalapit na sa kanya

- Unang magtatanghal ang Ben and Ben sa Pasig rally ng mga Kakampink ngayong Marso 20

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinasalamatan na agad ni Vice President Leni Robedo ang bandang Ben and Ben sa pagsuporta ng mga ito sa kanya.

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang bandang Ben&Ben na suporta nito mula pa 2016
Bandang Ben&Ben kasama si VP Leni Robredo (Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ang kilalang banda sa boluntaryong sumusuporta sa kandidatura ni VP Leni sa pagka-pangulo ng bansa.

Sa Facebook post ni ng bise presidente naibahagi niya na taong 2016 pa man ay kilala na niya ang bandang umawit ng Angat Buhay Theme Song kaya naman napalapit na talaga ang mga ito sa puso niya.

Read also

Angel Locsin, nakikisaya sa crowd ng Pasig rally ng ng Leni-Kiko tandem

"Not many people know that our relationship with them started in 2016. They were the ones who sang our Angat Buhay Theme Song when I was just a few months into my role as VP. Thank you for your support always."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumpirma ng bandang Ben & Ben ang pakikiisa nila sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa pagkandidato nila bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Ayon pa sa grupo, boluntaryo ang kanilang ginagawa at at hindi umano sila bayad sa pagsuporta nia kina VP Leni.

Nabanggit din sa naturang post na ang unang ganap na pupuntahan ay ang Pasig na halos susundan ng pagkampanya sa mga Kakampink ng Nueva Ecija.

Isa lamang ang Ben & Ben sa mga grupo ng musikero sa bansa na hayagang sumusuporta sa Leni- Kiko tandem at kanilang mga senatoriables.

Read also

Robi Domingo, isa na rin sa mga boluntaryong susuporta sa 'Leni-Kiko' tandem

Nag-viral din ang video ng mga ng kilalang singers na dumalo sa Zamboanga grand rally ng Leni Robredo- Kiko Pangilinan tandem.

Ilan sa kanila na dumalo ay sina Yeng Constantino, Erik Santos at Moira Dela Torre na kumanta ng 'Hawak Kamay habang bumabati at nakikipag-selfie pa si VP Leni at si Senator Kiko sa kanilang mga supporters malapit sa stage.

Nadadagdagan na ang nagpapahayag ng boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang senatoriables at isa na nga rito ang bandang Ben and Ben.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel