VP Leni sa final statement niya sa presidential debate; "True leader show up and man up"

VP Leni sa final statement niya sa presidential debate; "True leader show up and man up"

- Mabibigat ang mga nabitawang final statement ni Vice President Leni Robredo sa Comelec presidential debate

- Aniya, hindi na dapat na hinahanap pa ang taong ayaw umanong humarap sa tao

- Resibo umano ang kayang niyang ipakita na siya ay laging naroon para umagapay at magpaabot ng tulong sa mga kababayang nangangailangan

- Naniniwala siyang "the best man for the job is a woman" na patungkol sa tinatakbuhan niyang posisyon bilang susunod na presidente ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatapang ang mga naging huling pahayag ni Vice President Leni Robredo sa Comelec presidential debate na ginanap ngayong Sabado, Marso 19.

VP Leni sa final statement niya sa presidential debate; "True leader show up and man up"
VP Leni Robredo (Comelec The Presidential Debate)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa loob ng wala pang isang minuto ay naibigay na agad ni VP Leni ang nais niyang iparating sa taumbayan sa paghalal ng mga ito sa magiging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Read also

Larawan ni VP Leni Robredo na kuha sa labas ng 'Pink Mosque', viral

"'Ang kailangan po nating pangulo 'yung nagmamadaling samahan ka 'pag nahihirapan ka. Handang magsakripisyo para tulungan ka. Handang harapin kahit sino para ipaglaban ka."
"Ako po may eleksyon o wala, bagyo man, kahit anong sakuna, pandemya kahit anong problema, nandito po ako."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kahit ano pong kwento ang ipakalat sa'kin, ang totoo kumpleto po kami ng resibo."
"Kaya po huwag na natin hanapin ang ayaw humarap sa’tin. Sa lahat ng oras, nandito po ako, hinaharap kayo, ipinapkipaglaban kayo. True leader show up and man up. Kaya po sa darating na Mayo, the best man for the job is a woman," ani Robredo.

Narito ang kabuuan ng kanyang final statement na naibahagi rin ng Philippine Star:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Patuloy umanong dumarami ang mga celebrities at musician na patuloy na sumusuporta at boluntaryong nakikiisa sa kampanya ni Leni Robredo sa pagka-presidente ng bansa.

Isa sa bagong dagdag ay ang bandang Ben&Ben na unang mapapanood sa People's Rally ng mga Kakampink sa Pasig City sa Marso 20.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica