Robi Domingo, isa na rin sa mga boluntaryong susuporta sa 'Leni-Kiko' tandem
- Isa na rin ang kilalang host na si Robi Domingo sa mga hayagang susuporta sa 'Leni-Kiko' tandem
- Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng opisyal niyang pahayag na naibahagi sa kanyang social media
- Tulad ng iba pang mga celebrities, wala ring kahit anong tatanggaping kabayaran si Robi sa pagsuporta sa line-up ng nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan
- Una ring makakasama si Robi ng mga Kakampink sa Pasig grand rally na gaganapin sa Marso 20
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa na rin ang kilalang Kapamilya host na si Robi Domingo sa hayagang nagsabi na isa na siya sa mga boluntaryong susuporta kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na May 9 election.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, inanunsyo na ni Robi ang pagsuporta sa line up ng Leni-Kiko tandem.
"I will be supporting the Leni-Kiko campaign this 2022 elections. Just like the other performers, no payment will be received for the support," aniya.
Una siyang makakasama ng mga Kakampink sa People's rally na gaganapin sa Pasig ngayong Marso 20.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ilan sa mga kapwa niya Kapamilya na nagpahayag ng pagsuporta sa grupo ng 'Leni-Kiko' ay sina Jolina Magdangal, Erik Santos, Moira Dela Torre at Yeng Constantino.
Narito ang ang kabuuan ng kanyang pahayag na naibahagi rin ng Inquirer.net:
Nag-viral din ang video ng mga ng kilalang singers na dumalo sa Zamboanga grand rally ng Leni Robredo- Kiko Pangilinan tandem.
Ilan sa kanila na dumalo ay sina Yeng Constantino, Erik Santos at Moira Dela Torre na kumanta ng 'Hawak Kamay habang bumabati at nakikipag-selfie pa si VP Leni at si Senator Kiko sa kanilang mga supporters malapit sa stage.
Nadadagdagan na ang nagpapahayag ng boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang senatoriables.
Isa na rito ang bandang Ben and Ben. Sa pamamagitan ng kanilang social media, kanilang kinumpirmang isa sila sa mga magtatanghal sa mga campaign rally ng mga Kakampink. Una silang mapapanood ngayong Marso 20 sa Pasig City.
Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.
Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.
Source: KAMI.com.gh