Celebs at musicians, inalmahan ang 'fake news' na kasama umano sila sa event ng UniTeam

Celebs at musicians, inalmahan ang 'fake news' na kasama umano sila sa event ng UniTeam

- Mabilis na inalmahan ng mga celebrity at musicians ang umano'y post kung saan kasama sila sa isang event ng UniTeam sa Zamboanga

- Matapos na kumalat ang naturang post, isa-isa silang naglabas ng pahayag at pinabulaanan na sila'y kasama sa kampanya na ito ng grupo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte

- Una nang naglabas ng post ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na nagsasabing Fake news ang kumakalat na post online

- Gayundin si Blaster Silonga na sinabing kailanman'y hindi mangyayari na mapabilang sila sa nasabing ganap

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umalma at agad na naglabas ng pahayag ang iba't iba mga celebrity at musicians sa umano'y kumakalat na post kung saan kasama umano sila ng UniTeam na grupo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa campaign rally nila sa Zamboanga sa Abril 10.

Read also

Conversation ni Kit at Ana ilang araw bago ang isyu, binalikan ng netizens

Mga celebs at musicians na 'di umano'y kasama sa UniTeam rally, sinabing 'fake news' ang event
Mga celebs at musicians na 'di umano'y kasama sa UniTeam rally, sinabing 'fake news' ang event
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI pinabulaanan ng mga kilalang personalidad ang pakikilahok nila sa event ng BBM-Sara.

Una na ritong nagbigay ng pahayag si Zack Tabudlo at sinabing "peyk news" ang kumakalat na post.

Gayundin si Blaster Silonga na sinabing kailanman'y hindi mangyayari na mapabilang sila sa nasabing ganap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Itinodo naman ni Allan Burdeos ang paliwanag kung bakit walang katotohanan ang kumakalat na pagganap.

"Gusto ko lang tahimik at hindi ma involve sa mga ganitong bagay, kaso kailangan namin gawan to ng aksyon. WE ARE NOT FOR SALE!" ayon kay Burdeos.

Maging ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ay pinabulaanan din na kasama sila sa mga musicians na bahagi ng campaign rally ng BBM-Sara supporters.

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena na tatakbo naman bilang bise presidente.

Read also

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica