Video ng BBM supporters na humihiyaw ng "Hindi kami bayad", viral

Video ng BBM supporters na humihiyaw ng "Hindi kami bayad", viral

- Nag-viral ang video ng umano'y supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem

- Maririnig na humihiyaw sila ng "hindi kami bayad" ng paulit-ulit

- Sinagot naman ito ng sinusuportahan nilang presidentiable at sinabing hindi sila bayad gayung naniniwala sila sa pagkakaisa

- Isa si Bongbong Marcos sa mga tumatakbong presidente ng Pilipinas para sa Halalan na magaganap sa Mayo 9 ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."

Video ng BBM supporters na humihiyaw ng "Hindi kami bayad", viral
Video ng BBM supporters na humihiyaw ng "Hindi kami bayad", viral
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ito Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' ngayong Marso 15.

Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.

Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Read also

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."

Matatandaang kamakailan lamang pinabulaanan ng kampo ni BBM na sila umano ang namahagi ng food stub para sa kanilang supporters.

Ito ay matapos na makunan ng larawan ng isang journalist ang umano'y food stub na ibinabahagi noon sa Bulacan.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni BBM, wala raw katotohanan na sila mismo ang namigay nito para sa mga taong sumipot sa campaign rally doon.

Samantala, narito ang video ng naganap sa Talavera, Nueva Ecija na kuha ni Nestor Corrales ng Philippine Daily Inquirer:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Read also

Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales: "Just a black propaganda"

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica