Grupo ni BBM, pinabulaanang sila umano ang namimigay ng food stub sa Bulacan
- Itinanggi ng Kampo nina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte na may kinalaman umano sila sa pamamahagi ng food stub
- Isa umanong international reporter ang nakakuha ng video at ng mismong food stub na ipinamamahagi sa supporters ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara
- Ayon sa spokesperson ni Marcos, wala umano silang ideya na may ganoong pamamahagi na pala ng food stub na nangyayari
- Isa rin sa umano'y agaw-eksena sa pagtitipon ang mga supporters nila na nawalan ng cellphone at wallet at nanawagan mismo sa stage para maisauli ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mariing itinanggi ng kampo ng Uniteam nina presidential aspirant Bongbong Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na may kinalaman sila umano sa pamamahagi ng food stub sa ilang venue ng kanilang campaign rally sa Bulacan.
Nalaman ng KAMI na isa umanong international reporter na si Camille Elemia ang nakakuha ng video at larawan mismo ng food stub na ipinapalit ng mga supporters ng UniTeam.
Sa kanyang tweet, ipinakita ni Elemia kung paano ikini-claim ng mga tao ang pagkain sa Uniteam rally sa Guiguinto, Bulacan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panayam naman mismo ng GMA News sa spokesman ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, itinanggi niyang sila ang pasimuno umano ng pamamahgi ng stub para ipalit sa pagkain.
"None at all, we have no idea," ani Rodriguez.
Narito ang kabuuan ng balita mula sa GMA News:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, ng nakaraang taon 2021, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit noong Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nobyembre 11 ng 2021, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya na ngayon ang running-mate ni Presidential candidate Bongbong Marcos sa kanilang UniTeam.
Source: KAMI.com.gh