Mayor Sara, mabilis na kinuha ang alcohol nang mapabahing si BBM sa isang makulit na video
- Viral ngayon ang makulit na video nina Mayor Sara Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos
- Sa video, makikita na nasa isang photoshoot ang magkatandem na sina Myor Sara at BBM
- Nang biglang mapa-bahin si BBM, makikitang agad na kumuha ng alcohol si Mayor Sara at nag-sparay sa lugar ng kanyang ka-tandem
- Nobyembre 16 nang pormal na inihayag ng dalawa ang kanilang pagsasanib pwersa sa Halalan 2022
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang makulit na video nina Mayor Sara Duterte ng Davao City at ni Presidential candidate na si Bongbong Marcos (BBM).
Nalaman ng KAMI na sa photoshoot nilang dalawa, napabahin si BBM at makikitang nanlaki ang mga mata ni Mayor Sara.
Agad itong kumuha ng alcohol at na-spray sa pwesto ng kanyang ka-tandem habang nagtatawanan ang mga taong kasama nila sa photoshoot.
Kahit pabiro, isa raw umano itong pag-iingat kaya naman agad na nag-spray ng alcohol ang alkalde ng Davao City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng makulit nilang video na ibinahagi ni @trader4242 sa kanyang TikTok:
Noong Nobyembre 16, sa kanyang social media post, pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem sa pagkandidato bilang Pangulo at bise presidente sa Eleksyon 2022.
Sa kabila ng pangyayaring ito, nilinaw naman niyang wala umano silang siniraan o dinungisan ang pangalan sa desisyon nilang ito.
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Noong Nobyembre 11, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City.
Source: KAMI.com.gh