Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales: "Just a black propaganda"

Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales: "Just a black propaganda"

- Matapos na mag-viral ang post ni Valentine Rosales patungkol sa insidente sa 7-Eleven, agad namang nagkomento patungkol dito si Xian Gaza

- Ayon kay Xian, isa umanong black propaganda ang ginawa ni Valentine laban sa kampanya ni Leni Robredo

- Wala umanong katotohanang Robredo supporter si Valentine tulad ng nabanggit niya sa post

- Walang humpay na rin ang pasaringan umano ng dalawa matapos na magkomento ang isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakawala kay Xian Gaza ang viral post ni Valentine Rosales patungkol umano sa nasaksihan niya sa 7-Eleven branch sa Cubao, Quezon City.

Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales; "Just a black propaganda"
Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales; "Just a black propaganda" (Photo from Christian Albert Gaza/ Valentine Rosales)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol sa umano'y nasaksihan ni Valentine na pag-alis ng isang lalaking kumuha lamang ng inumin gamit ang presidential cups ng nasabing store.

Ani Valentine, isa umano siyang supporter ni Leni Robredo. Binayaran na lamang niya ang nakuhang inumin ng lalaki na nagkakahalaga ng Php35. Aniya masarap din daw kasing uminom ng 'Gulp' na hindi nakaw o utang.

Read also

Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-Eleven

Inalmahan naman ito ni Xian na sinabing black propaganda lamang ang lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa viral na rin na post ni Xian, planado umano ang viral post ni Valentine upang mapag-usapan.

Wala rin umanong katotohanang Leni supporter si Valentine tulad ng nabanggit din niya sa nasabing post.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Xian Gaza:

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa si Xian at pinamamahalaan ang kabi-kabila niyang mga negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Read also

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa socmed si Xian dahil sa sunod-sunod nitong mga pasabog patungkol sa mga celebrity couples.

Tila mabilis ang mga scoop ni Xian at nalalaman umano niya ang dahilan ng mga hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couple kamakailan.

Isa na rito ang ay hiwalayang Barbie Imperial at Diego Loyzaga na kamakailan lang kinumpirma ng aktres habang noong nakaraang taon ay unti-unti nang nagbibigay ng detalye si Xina ukol dito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel