Conversation ni Kit at Ana ilang araw bago ang isyu, binalikan ng netizens

Conversation ni Kit at Ana ilang araw bago ang isyu, binalikan ng netizens

- Umani ng samu't-saring komento ang conversation nina Kit Thompson at Ana Jalandoni ilang araw lang bago ang paglabas ng balitang sinaktan umano ni Kit si Ana

- Marami ang nakapansin sa sweet na palitan ng mensahe ng dalawa sa comment section ng Instagram post ni Ana

- Kaya naman, marami ang napa-komento at tila hindi pa makapaniwala sa lumabas na balita

- Sa kasalukuyan, wala pang nilalabas na opisyal na pahayag ang magkabilang kampo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasunod ng pag-trending ng balita kaugnay sa umano'y pananakit ni Kit Thompson sa karelasyon niyang si Ana Jalandoni, binalikan ng mga netizens ang social media posts ng dalawa. Sa pinakahuling post ni Jalandoni, makikita ang komento ni Kit.

Conversation nina Kit Thompson and Ana Jalandoni, inulan ng mga komento
Kit Thompson (@kitthompson)
Source: Instagram

Sinagot naman ito ni Ana at gumamit pa ng heart emoji. Kaya naman marami sa mga netizens ang nagtaka dahil walang ka-bakas-bakas ng hindi pagkakaintindihan ang kanilang pag-uusap.

Read also

Celebs at musicians, inalmahan ang 'fake news' na kasama umano sila sa event ng UniTeam

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kinumpirma ng Tagaytay PNP na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel sa Tagaytay kaya na-rescue nila ang aktres na si Jalandoni. Humingi din umano ng saklolo ang aktres mula sa kanyang mga kaibigan.

Dinala sa pagamutan si Jalandoni samantalang si Kit naman ay dinala sa presinto para sa imbestigasyon.

sa Tweet ng ABS-CBN reporter na si Niko Baua, makikita ang mensahe ng aktres kung saan humihingi siya ng tulong. Kinulong at sinaktan umano ng aktor si Jalandoni.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Read also

Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel