Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni

Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni

- Agad na nag-trending sa social media ang pangalan ng magkasintahang Kit Thompson at Ana Jalandoni

- Ito ay matapos lumabas ang balitang dinala sa presinto ang aktor habang nagtamo ng pinsala ang aktres at dinala sa pagamutan

- Naligtas umano ang aktres matapos itong humingi ng saklolo sa mga kaibigan dahil sa umano'y pananakit ng aktor

- Na-rescue si Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay matapos makatanggap ang mga otoridad ng tawag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng Tagaytay PNP na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel sa Tagaytay kaya na-rescue nila ang aktres na si Ana Jalandoni. Humingi din umano ng saklolo ang aktres mula sa kanyang mga kaibigan.

Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni
Kit Thompson (@kitthompson)
Source: Instagram

Dinala sa pagamutan si Jalandoni samantalang si Kit naman ay dinala sa presinto para sa imbestigasyon.

sa Tweet ng ABS-CBN reporter na si Niko Baua, makikita ang mensahe ng aktres kung saan humihingi siya ng tulong. Kinulong at sinaktan umano ng aktor si Jalandoni.

Read also

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

Authorities were alerted after Jalandoni pleaded for help from her friends and sent a picture of herself. She was allegedly detained and injured by her boyfriend, actor, Kit Thompson.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni
Niko Baua (@Nikobaua)
Source: Twitter

Matatandaang nitong Disyembre nang nakaraang taon lamang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

Hiniling naman ng talent agency na may hawak kay Kit na maging maingat sa mga komento kaugnay sa isyu.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon matapos ang PBB Teen edition:4. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read also

Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel