Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement
- Ibinahagi ng isang Pinay sa Ukraine ang kalagayan ng kanyang pamilya sa pagtatago sa basement
- Tatlong oras mula sa Kyiv ang kanilang kinaroroonan sa pamilya ng kanyang mister na isang Ukrainian
- Aniya, hindi nila aakalaing mangyayari ang giyera sa panahon ngayon na dati'y napapanood lamang nila sa pelikula
- Hindi raw sila basta makakauwi sa Pilipinas lalo na at maiiwan naman niya ang asawa na hindi pinahihintulutang makalabas ng bansa sa ilalim ng idineklarang Martial Law sa kanila
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinakita ng Pinay na si Rhea Rose Ramos ang kalagayan nila sa gitna ng nagaganap na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Nalaman ng KAMI na nanatili umano sina Rhea at kanyang pamilya sa basement ng tahanan ng kanyang mister, tatlong oras ang layo mula sa pinupuntiryang lugar sa Ukraine, ang Kyiv.
Sa panayam ni Theresa Barrera ng Omni News kay Rhea at kanyang mister na isang Ukrainian, sinabing ligtas sila ngayon at may sapat pang supply ng kanilang mga pangangailangan.
"We went to grocery store, I thought there would be like panic buying, but outside, people are walking things like nothing is happening. I was like, Oh My God, bakit ganito ba parang hindi ko napi-feel na may something kasi nakikita ko po lahat ng tao naglalakad pa din, groceries are still full. Kasi tulad po ng ganitong pangyayari panic buying na or something. I'm just really shocked that it looks normal here," paunang kwento ni Rhea.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Wala pa umano silang naririnig na kakaiba tulad ng mga pagsabog na nababalita sa kanilang lugar na pinaghihimpilan ngayon.
Subalit nang magbalik ang mister sa Kyiv para asikasuhin ang ilang papeles lalo na ng kanilang anak, walong oras umano ang inabot nito sa biyahe na labis na ikinatakot naman ni Rhea.
"'Yung level ng kaba ko sobrang tindi. Yesterday I was like, para akong mababaliw ma'am. Sobra po talagang ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Hindi mo alam kung safe ka pa ba. Actually I'm worried more about my baby," dagdag pa ni Rhea.
Bagaman at maari sana silang makabalik na lamang sa Pilipinas, ngunit dahil sa idineklarang martial law sa Ukraine, hindi naman makakasama ang kanyang mister.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ng Omni News:
Ilang araw lamang ang nakararan nang sumiklab ang paglusob ng Russia sa bansang Ukraine partikular na sa capital nito na Kyiv. Bago pa man ito naganap, ilang mga kababayan na nating OFW ang nakaalis ng nasabing bansa bilang pag-iingat at para na rin sa kanilang seguridad.
Isa ang aktres na si Kim Chiu sa umaming nagpuyat para lamang lubos na maunawaan ang giyerang nangyayari sa dalawang bansa.
Source: KAMI.com.gh