Brenda Mage, ipinakita ang hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar

Brenda Mage, ipinakita ang hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar

- Ibinahagi ni Brenda Mage ang naging epekto ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar

- Nagtungo pa siya sa bahay ng kanyang mga kamag-anak na malapit sa ilog at makikita ang rumaragasang tubig

- Pati ang pinagagawa niya umanong mesa ay nasira na rin dahil sa pagbagyo

- Matatandaang pansamantalang iniwan ni Brenda ang showbiz at bumalik muna sa kanilang probinsya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Brenda Mage ang hagupit ng bagyong Agaton sa kanilang lugar.

Brenda Mage, ipinakita ang hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar
Photo: Brenda Mage
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagtungo pa talaga si Brenda malapit sa ilog kung saan naroon ang kanyang mga kaanak.

Makikitang rumaragasa ang tubig kahit huminto na ang pag-ulan dala ng bagyo.

Ipinakita ni Brenda ang bahay ng kanyang pinsan na talagang nasira na dala ng pag-ulan at pagtaas ng tubig sa ilog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang pingagawa niyang mesa ay nasira na rin bago pa magamit sa lakas ng pagragasa ng tubig.

Ang bagyong Agaton ang unang naitalang bagyo ngayong 2022.

Samantala, matatandaang kamakailan ay nagpaalam na sa show si Brenda na pansamantalang iiwan ito upang makauwi at bigyang oras ang sarili na makasama ang mga mahal sa buhay sa probinsya.

"Goodbye City life… Back to Province life. Thank you for all the Memories and to all my Friends kayo nalang punta sa amin pag nakaluwag luwag sagot ko na charot"

Subalit tuloy-tuloy pa rin naman ang pagbibigay niya ng update tungkol sa mga kaganapan niya sa buhay sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantaha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Naging kontrobersyal ang pagiging housemate niya roon dahil sa mga isyung kinasangkutan niya tulad ng closeness niya kay Eian Rances at ang umano'y mga nasasabi niya sa likod ni Alexa Ilacad.

Dahil din sa mga pangyayaring ito, nabansagan siyang Marites sa bahay ni Kuya kasama ang isa pang housemate na malapit sa kanya na si Madam Inutz. Gayunpaman, naayos naman nila ang lahat ng ito nang makalabas sila ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel