Lola, natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng musoleo sa Sorsogon
- Natagpuang patay at hubo’t hubad ang isang 60-taong-gulang na lola sa loob ng musoleo sa Sorsogon Catholic Cemetery
- Hinihinalang ginahasa ang biktima at pinaslang gamit ang bato na nakita sa crime scene
- Isa sa mga suspek ang nahuli at inaming nagkaroon ng pangho-hold up matapos ang inuman
- Sinabi ng suspek na hindi niya akalaing papatayin at gagahasain ng kanyang kasamahan ang matanda
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang 60-taong-gulang na lola ang natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng isang musoleo sa Sorsogon Catholic Cemetery noong Linggo ng umaga, Enero 19, 2025.
Ayon sa ulat ng pulisya, hinihinalang ginahasa ang biktima bago ito pinaslang. Narekober din sa crime scene ang isang bato na pinaniniwalaang ginamit upang saktan ang matanda.
Base sa ulat ng 101.5 Brigada News FM Sorsogon, nitong Lunes, Enero 20, isa sa mga suspek ang nahuli na ng pulisya. Sa kanyang pahayag, inamin nitong naganap ang insidente matapos silang mag-inuman at makita ang matanda na naglalakad sa lugar.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, hindi nila plinano ang insidente at napadaan lamang umano ang biktima. Ani ng suspek, lubos ang kanyang pagsisisi sa naganap.
“Nagsisisi ako. Sa pamilya ng biktima, akala lang namin hold-up lang ang mangyayari,” saad ng suspek.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makuha ang iba pang sangkot sa krimen at upang mabigyang hustisya ang biktima.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.
Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.
Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh