Taxi driver, natakasan ng pasahero na umabot sa mahigit ₱500 ang metro
- Natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay
- Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik
- Naghintay ang driver lalo na at mahigit ₱500 ang inabot ng metro nitong dapat niyang bayaran
- Masamang-masama ang loob ng tsuper lalo na at kamakailan lamang sila nakabalik sa pamamasada
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naloko ang taxi driver na si Joel Casol ng kanyang naging pasahero na nagpahatid mula sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang sa Pasay City.
Nalaman ng KAMI na nagdahilan umano ang pasahero at sinabing susunduin lamang niya ang kanyang mag-ina.
Sa kasamaang palad, hindi na ito bumalik at hindi rin nito nabayaran ang metro na umabot sa ₱576.
Masamang-masama ang loob ni Joel dahil halos kalalabas lamang niya sa pamamasada matapos ang halos tatlong buwan na kawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine na ipinatupad sa Kalakhang Maynila.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Hindi na siya naawa sa akin, 'di niya alam kung ano'ng hirap naming mga driver ngayon," pahayag ni Joel.
Ayon pa sa driver, buwis buhay na raw nga ang ginagawa nilang paghahanapbuhay, nagawa pa silang lokohin ng mapagsamantalang tao.
Malaking kawalan sa kanyang kita ang halagang di nabayaran ng pasahero dahil ito lamang ang inaasahang pantustos niya sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Mabuti na lamang at alisto si Joel at nakunan niya ng litrato ang pasahero ngunit nakasuot ito ng face mask.
Ini-report na rin niya sa barangay ang insidente upang magka-record ang lalaking pasahero at hindi na ito maulit pa kanino man.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang mga larawan ng insidente na binahagi rin ng Radyo Singko 92.3 News FM:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh