Smart phone, pinaniniwalaang na-hack matapos kumonekta sa public wifi
- Naalarma ang marami nang mapanood ang ulat ng umano'y smart phone na pinaniniwalaang na-hack
- Ayon sa may-ari, tila nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang smart phone na kusang gumagalaw ang pointer kahit hindi niya ito ginagawa
- Naganap daw ito matapos kumunekta sa isang public wifi na halos araw-araw naman niyang ginagawa
- Payo ng eksperto, mainam na gumamit ng data encryption services tulad ng virtual private network o VPN bilang proteksyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang nabahala nang mapanood ang nangyari sa isang smart phone na kusa umanong gumagalaw kahit walang ginagawa ang may-ari nito.
Sa ulat ng 24 Oras, makikita ang video kung paanong tila may sarili buhay ang smart phone na pinaniniwalaang na-hack matapos umanong kumonekta sa public wifi.
Noon pa man ay kumukonekta na siya sa mga public wifi ngunit ito umano ang unang pagkakataon na tila may ibang gumagalaw ng kanyang cellphone.
Labis na nabahala ang hindi nagpakilalang may-ari gayung ang mga online banking services niya ay naroon sa naturang cellphone.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
May pagkakataon pang sinubukang kunan ng picture ng pinaniniwalaang hacker ang may-ari para magamit umano sa face recognition.
Nang tanungin ng may-ari ang customer service ng kanyang cellphone, nakumpirmang na-hack nga ang kanyang smart phone.
Ayon sa tech experts, mainam na data encryption services tulad ng virtual private network o VPN bilang proteksyon sa mga gadgets na kokonekta sa mga public internet access.
Mainam ding gumamit na lamang ng cellphone data services kung wala sa bahay kung saan ang may-ari lamang ang may control ng internet access nito.
Samantala, nito lamang Mayo ay naalarma ang publiko matapos na mawalan ng pera ang ilan sa mga GCash users sa kanilang account. Malalaking halaga ang nawala sa mga ito na karamihan pa ay gamit nila pang-negosyo.
Isa umano ang komedyanteng si Chad Kinis na nabiktima umano ng biglaang pagkawala ng pera sa kanyang Gcash account. Tulad ng ibang mga users ng naturang mobile wallet, Php85 ang naititirang pera sa account. Labis na naalarama si Chad gayung may kalakihan ang halaga sa kanyang account at walang security alerts tulad ng pagpapadala ng OTP o one time passwords bago naisagawa ang umano'y paglilipat ng pera.
Agad namang naglabas ng pahayag ang GCash tungkol sa naturang insidente. Matapos ang masusing imbestigasyon, agad namang nagawan ng paraang maibalik ang mga pansamantalang nawalang pera sa account ng kanilang users.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh