Rosmar Tan, pumalag komentong hindi niya alam ang 'left'

Rosmar Tan, pumalag komentong hindi niya alam ang 'left'

- Pinalagan ni Rosmar Tan ang ilang TikTok users na gumawa ng content tungkol sa kanyang trending na Price Tag video sa TikTok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- May ilang users na naglagay ng kanyang video kasama ng iba pang video ng Price Tag dance covers

- Nakalagay pa rito ang komentong hindi daw nito alam ang kanyang left dahil naiiba ang direksiyon ng galaw niya

- Depensa ni Rosmar, naka-front cam ang kanyang cellphone at maging ang tatak ng kanyang suot na damit ay nakabaliktad dahil dito

Sinagot ni Rosmar Tan ang komentong hindi daw niya alam ang left. Ito ay matapos mag-trending ang kanyang Price Tag dance cover na tumabo ng milyon-milyong views sa TikTok.

Rosmar Tan, pumalag komentong hindi niya alam ang 'left'
Rosmar Tan, pumalag komentong hindi niya alam ang 'left' (@rosmartan)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Smart phone, pinaniniwalaang na-hack matapos kumonekta sa public wifi

Ilang netizens ang nag-stitch ng kanyang TikTok video upang isama sa iba pang Price Tag dance covers. Dahil naiiba ang direksiyon ng kanyang galaw ay may ilang netizens na nagkomentong hindi nito alam ang kanyang left.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rosmar na front cam ang kanyang gamit. Binanggit niya rin ang nakabaliktad na pangalan sa kanyang damit na magpapatunay na front camera ang kanyang gamit.

Palibhasa walang front cam cellphone nyo❤️
Ano pala tatak ng damit ko? YXALAG? HAHAHA

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Alora Sasam, ibinida ang human drone entry nya: "Parang hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis?"

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel